Kaklase at kabarkada ni Pepe noon sa high school si Sabrina pero hindi sila gano'n ka-close. Actually, more of acquaintances lang sila dahil kahit galing sa iisang barkada ay hindi personal ang kanilang relasyon.
Heto naman kasi si Pepe may pagkamailap noon sa high school. kuntento na lang magsulat sa isang sulok o di kaya ay mag-drawing ng mga comicstrips na pinangalanan niyang "Manilenyo". Kapanahunan ito ni Polgas at Pugad Baboy ni Pol Medina, Jr. at isa ito sa madaming pangarap ni Pepe gawin sa buhay.
First years nu'ng college ay nagkikita silang barkada pag birthday ni Sabrina o kaya pag Pasko. Si Pepe ang pinakamaagang pumupunta kasi siya din ang pinakamaagang umuwi. Pagpatak ng alas dose, susunduin na kasi si Pepe. Last years na ng college nang siya ay nagwala at di na sila nagkita pa ni Sabrina sapagkat pumunta naman ito sa United Starred Spangled Banner of Alaminos para manirahan kasama ng kanyang pamilya.
Noong sumunod silang nagkita ay pagkatapos na ng kolehiyo, kapwa nagpupumilit umasenso sa kanya-kanyang buhay. Umuwi sa Republic of the Philippine Eating Eagle si Sabrina at nag-aral uli para sa isang kurso at karerang matagal bunuin at pagsunugan ng kilay. Samantalang hindi naging cartoonist si Pepe. Yun lang.
Minsan ay nagkita-kita uli ang barakada noong high school dahil birthday ni Sabrina. By this time isa na siyang ganap na mediko at balak pumunta uli ng United Starred Spangled Tiki-tiki For Baby para doon naman kumuha ng board exam at para tumira doon for good. Sabi niya, gusto niyang ikutin ang Manila bago man lang iwan ito ng lubusan. Ang balak niya ay magsimula sa Intramuros at pumasok sa bagumbagong amusement establishment na Parkeng Laot sa likod ng Grandstand.
Sinabi ni Pepe na gusto niyang samahan si Sabrina dahil tinuturing na niyang pangalawang tahanan ang walled city. Alam niya ang pasikot-sikot dito at pwede siyang mag-tour guide.
Nagset ng date--sa susunod na linggo. Game.
Sa araw bago ang napag-usapang pagtatagpo ay nagtext si Pepe kay Sabrina. "2loy pa ba tayo tom? Rdy ako" (hindi pa nako-coin ang term na jejemon noon).
"Gusto mo ba talaga?", tanong ni Sabrina.
"Depende sa 'yo", sagot ni Pepe.
"Sige, sige!", sabi ni Sabrina. "Medyo nag-alangan lang ako kasi hindi ko naman talaga ikaw kilala. Kung seryoso ka noon o hindi".
Natauhan si Pepe. Oo nga naman naisip niya. Kabarkada niya ito, supposedly kaibigan. Pero walang namuong personal deposit of friendhip. Na-guilty siya ng todo at ipnangako sa sariling bago umalis ang taong ito ng Republic of the Philharmonic Orchestra papuntang United State of Emergency ay kikilalanin niya itong mabuti, mabubuo ang isang maganda at meaningful na friendship kahit sa napakaikling panahon.
At nangyari nga. After Intramuros at Parkeng Laot ay naging close ang dalawa at di makakaila na puwede na nga silang tawaging totoong magkaibigan. Naging masaya si Pepe at nakaramdam ng fulfillment.
Dumating ang araw na kinailangan na ngang umalis ni Sabrina ngunit hindi nalungkot si Pepe. Alam niyang nagawa na niya ang dapat niyang gawin bilang kaibigan---sa maniwala o hindi, sa loob ng isang buwan.
Minsan nang nagbukas si Pepe ng account niya sa Peksbrook.com ay nakita niyang sumulat sa kanya si Sabrina. Nag-iba na daw ng relihiyon. Naging masaya si Pepe para sa kaibigan. Doon kasi nakita ni Sabrina ang katahimikan ng puso, ang kapayapaan. Naging daan pa nga ito para pag-aralan ni Pepe ang relihyong sinalihan ni Sabrina at napagtanto niyang hindi talaga dapat mag-away ang relihyon ni Sabrina at ang kanyang relihiyon. Pawang kapayapaan ang mensahe nito. Pag-ibig.
Naging mabuting kaibigan pa din si Pepe. Maunawain at hingahan ng sama ng loob tuwing nalulungkot si Sabrina kapag may di nakakaintindi sa kanyang bagong pananampalataya. Hindi masasabing patronizing ang ginagawa ni Pepe sapagkat alam niya, kahit marami ang kokontra, tama ang desisyon ng kaibigan.
Umuwi pa uli si Sabrina sa Republika ng TM ng ilang beses. Ang hinihintay naman niya ngayon ay ang pagiging isang ganap na mediko sa United State of Calamity. Naghahanda siya sa kanyang interview sa mga bigating ospital doon.
Bago siya umalis paibang-bansa ay nanood ang dalawa ng isang musical na tungkol sa relihyon ni Sabrina kasama ang isa nilang kabarkada. Naging uncomfortable si Sabrina sa ilang eksena pero wala siyang sinisi. Marahil, aniya, mali ang desisyon niyang sumama.
At tuluyan na ngang lumipad si Sabrina papunta sa Land of the Bald Eagle.
Isang taon ang lumipas, habang walang magawa at naghahanap si Pepe ng mga dating kaibigang makakamusta ay naisip niya si Sabrina. Hinanap niya ito sa listahan ng kanyang mga kaibigan sa Pressbroom.com pero wala ito doon. Hinananap niya ang pangalan sa internet: Sabrina Leguizamo....pero hindi pa din niya makita.
Nakaramdam si Pepe ng takot. Ano kayang posibleng nangyari sa kaibigan? Pagkatapos, napagtanto niya ang bago nitong relihyon...Iyon kaya ang dahilan kung bakit na lang siyang naglaho na parang bula? Ipinagbabawal na ba ng kanyang pananampalataya?
Biglang nakaramdam ng lungkot si Pepe. Naisip niyang dapat ay may soundtrack ang pangyayari kaya nagbukas siya ng panibagong window sa internet, sa Yutobemee at hinanap ang music video ni Dave Matthews na "Space Between". Pinatugtog niya ito at sinimulang magsulat ng note sa Pesbuk:"Kaklase at kabarkada ni Pepe noon sa high school si Sabrina..."
At sinabayan ng pagbirit ni Dave Matthews ang pagtipa ni Pepe sa keyboard:
"The space between
The tears we cry
Is the laughter keeps us coming back for more
The Space Between
The wicked lies we tell
And hope to keep safe from the pain...
Will I hold you again?
Will I hold...
Look at us spinning out in
The madness of a roller coaster
You know you went off like a devil
In a church in the middle of a crowded room
All we can do, my love
Is hope we don't take this ship down...
The Space Between
What's wrong and right
Is where you'll find me hiding, waiting for you
The Space Between
Your heart and mine
Is the space we'll fill with time
The Space Between...
No comments:
Post a Comment