Origami
Ni JohnjoTuason
UMUWI ANG MANUNULAT na may kung anong mabigat na dumadagan sa dibdib. Galing siya sa espesyalistang duktor at ipinagtapat sa kanya na may cancer siya sa bituka at ilang buwan na lang ang itatagal ng kanyang buhay. Pampalubag loob pang sinabi sa kanya na tulad ng karaniwang nangyayari, kung maganda ang pagresponde ng katawan niya sa treatment ay maaaring umabot pa siya ng isang taon.
Sinalubong ang Manunulat ng kanyang nanay at napansin agad na mayroon siyang dinaramdam.
“May problem ba?”, tanong nito.
Bakit ba gano’n ang mga nanay? Kahit pagkatapos ng mahabang panahong magluwal ng anak ay hindi na kailanman napuputol ang pising nagdudugtong sa kanilang mga pusod?
Tinitigan niya ang nanay niya at marahang hinatak papunta sa kuwarto niya. Halos tatlong oras sila sa loob at kinabahan ang katulong na si Ditas nang marinig ang impit na pag-iyak ng nanay ng Manunulat sa loob ng kuwarto.
MAG-AALAS KUWATRO NG HAPON ng tumigil ang dilaw na school service sa harap ng bahay at bumaba ang batang si Ignatius na ang bansag sa bahay ay “Intoy”. Anak siya ng Manunulat sa pagkabinata. Mabilis itong pumasok ng bahay at sinalubong ng kanyang tatay na binuhat siya at niyakap ng mahigpit.
“Nako”, sabi ng Manunulat., “ang bigat-bigat mo na!”
“Eh paanong hindi bibigat, lumalaki na!”, ang sabi ng nanay ng Manunulat mula sa likod. “Sinanay mo kasing buhatin, grade 5 na! O, dito na sa kusina para magmeryenda.”
Habang pinagmamasdan ng Manunulat ang anak na kumakain ng sampurado ay naramdaman niya ang matinding lungkot. Kaya naisip niyang hindi na ipagtatapat kay Intoy na siya ay may sakit at mamamatay.
Napansin pala ng nanay niya ang tulalang panonood niya sa bata at hindi napigilang maapektuhan. Tumayo itong bigla at nagpaalam. “Babanyo muna ako”, nanginginig ang boses nitong sinabi at dali-daling tumalikod.
DATI, BINIBILANG PA NG MANUNULAT ANG KANYANG MGA AKDA. Ilan ba ang na-publish? Ilan ba ang pinarangalan? Ilan ba ang pinistaan? Ilan ang nanatiling ideya na lamang at hindi na tuluyang nahabi at nabuo? Ngayong nasentenysahan na ang kanyang buhay at paubos na ang kanyang mga natitirang araw ay hindi siya mapakali. Gusto niyang sumulat nang sumulat, ibuhos ng kanyang diwa ang lahat ng posibilidad, taktakin ang utak niya’t pagiging malikhain. Nagmadali siya. Magdamag siyang humarap sa PC at tumipa siya. Sinabayan niya ang mga segundo. Tumipa siya hanggang sa malagpasan na niya ang pagpitik ng mga mili-segundo. Lahat ng kulay na nakita ay naging maikling kuwento. Lahat ng naamoy at narinig ay nagkaroon ng sukat at metro. Lahat ng masalat ng mga daliri at palad ay naging mga dula at nobela. Umikot ng umikot ang kanyang ulo at saka nahilo. Hanggang sa isang gabi ay nanlaban na ang sariling katawan at pagod siyang sumalampak sa kanyang kama.
Narinig niyang umiiyak si Intoy sa kabilang kuwarto. Tumayo siya at nagmadaling pumunta sa anak. Nakita niya itong nakaupo sa tabi ng kama, tangan-tangan ang isang tupi-tuping papel na iniiyakan ng bata.
“O, ano’ng nangyari?” Tinabihan niya ito.
“Tinutukso po ako ng mga kaklase ko”, paliwanag ni Intoy na hihikbi-hikbi pa. “Pinagagawa kami ng origami ni teacher pero di ako makasunod. Pinagtawanan nila ako.”
Inakbayan ng Manunulat ang bata at kinuha mula dito ang tupi-tuping papel. “Ano ba dapat ‘to?”, tanong niya.
“Aso po”.
Ang ginawa ng Manunulat ay binuklat ang papel at tinuwid ang gusut-gusot. Sinimulan niyang tupiin muli ang papel sa harap ng bata at unti-unting nagkaroon ito ng katawan ng aso, nagkaroon ng nguso, tenga, mga paa, at buntot. Bukang-buka ang mga mata ni Intoy sa pagkamangha. “Marunong ka, Tatay?”, bulalas nito.
Napangiti ang Manunulat. Tinuruan niya ang anak kung paano gumawa ng asong papel. Tupi sila nang tupi hanggang sa huli ay nakuha din ni Intoy kung papano gumawa ng asong papel. Naengganyo silang mag-ama kaya halos singkuwentang asong papel ang nalikha noong gabing ‘yon.
Nakita ng Manunulat ang saya ni Intoy kaya’t sa mga sumunod pang araw ay iba’t-ibang anyo ng origami ang itinuro niya dito: pusa, bahay, Bangka, ibon, dinosaur, bola, kahon, bulaklak. Nang naubusan siya ng origaming alam ay naghanap siya sa Google na siyang ginawa nilang mag-ama gabi-gabi bago matulog. Pati pinakakumplikado ay pinag-aralan nilang dalawa gawin: telebisyon, computer, space ship, simbahan, eroplanong may tarmac, haring nakaupo sa trono, prinsesang nasa tuktok ng tore at naghihintay ng sasagip, kabalyerong may tangan-tangang espada, sapatos ni Cinderella, huklubang may dalang basket at may maliliit na mansanas.
Isanglibo’t isang kuwentong hindi isinulat ng tinta kundi itinupi ng mga daliri. Nang maubusan ng papel ay sinimulang tupiin ang mga pahina ng mga pinagsulatan ng Manunulat. Pamilyang gawa sa papel, kusinang gawa sa papel, baul ng kayamanang gawa sa papel, papel na duktor na may stethoscope, hiringgilya, ambulansya, hospital bed…
At dumating ang araw na nakaratay na sa higaan ang Manunulat. Kapiling niya gabi-gabi ang anak. Ang paligid nila’y isang museo ng iba’t ibang uri ng origami. Sa buong panahong ito ay hindi na nakapagsulat pa ang Manunulat. Walang bagong kuwento siyang nalikha. Tanging mga bangka-bangkaan, bahay-bahayan, kastilyo-kastilyuhan at tao-tauhan lang na gawa sa papel.
Pero ‘di bale na.
Magkahawak ng kamay ang mag-ama. Hindi na makapagsalita ang Manunulat. Ngiti lang ang binibigay niya sa anak. Si Intoy naman, madalas lumuha ngunit nakangiti din sa kanyang tatay.
Hanggang sa ibuhos na ng Manunulat ang kanyang kaluluwa. At nataktak na mula sa kanyang baga ang huli niyang hininga.
GAGRADWEYT NA SI IGNATIUS O INTOY MULA SA KOLEHIYO sa susunod na Sabado. Nagkataong ang araw na iyon ay siya ring kaarawan ng kanyang yumaong tatay. Napaisip siya kung ano ang maaari pang ihandog sa tatay niya bukod sa kanyang pagtatapos. Umupo si Intoy sa harap ng PC ng Manunulat at sa piling ng isanlibo’t isang origami ay nagsimulang tumipa’t sumulat.
“Noong bata ako, tinuruan ako ni Tatay gumawa ng asong papel…”
WAKAS
Nobyembre 30, 2011
Anibersaryo ng kamatayan ng aking Ate:
Monique Tuason
(Mayo 24, 1979-Nobyembre 30, 2005)
Sa Estribo, Umupo ako at Humagulgol (Pasintabi kay G. Coelho)
"May perya sa puso ng tao at ang buhay ay isang roleta ng pag-ibig"--Johnjo Tuason (Maikling kuwentong 'Araw ng mga Puso')
Tuesday, November 29, 2011
Monday, November 28, 2011
Mga Kamay, Mga Paa (Maikling Kuwento)
Mga Kamay, Mga Paa
Ni Johnjo Tuason
May hinahanap si Deo Manahan na hindi niya matukoy kung ano. Para sa iba ay parang nasa kanya na ang lahat. Galing siya sa maykayang pamilya at nagtapos sa isang prestisyosong unibersidad. Nagtapos siya ng Journalism at ngayon ay itinuturing na isa sa mga mahuhusay na field reporters ng SDB-3 news and current affairs. Noon ay “bright boy” ang tawag sa kanya ng kanyang mga boss. Minsan ay inanyayahan pa siyang mag-lunch ng CEO ng kumpanya para pag-usapan ang kanyang magandang kinabukasan sa media.
Pero tulad ng balon na natutuyuan din, naubusan ng istoryang magaganda ang utak ni Deo. Kung bakit ba naman sumabay pa sa pinagdadaanan niyang quarter life crisis! Kaya tuloy mas umigting ang kanyang depresyon nang minsan ay nakatanggap siya ng memo mula sa VP ng news at current affairs na si Lorena Dejado na “to shape up or else!”
Minsan ay napadaan si Deo sa simbahan ng San Lorenzo Ruiz sa Binondo, nagbabakasakaling makahanap ng kuwento. Napansin niya ang mag-asawang nakaupo sa harap ng simbahan. Maalaga ang babae sa kanyang mister at parang kinikilig pa si lalaki habang pinupunasan siya ng pawis ng kanyang minamahal. Mayamaya’y kinuha na ng babae ang gitara na nakasandal sa pader at nagsimulang tumugtog. Umawit ang lalaki ng “Green Grass of Home.”
Pero ang talagang nakatawag ng pansin ni Deo ay ang lalaki. Putol ang mga braso at binti nito. Para itong manikang sira na nakapatong sa isang lumang kariton na siguradong tinutulak ng kanyang misis saan man niya gustong pumunta.
“Sa wakas”, sabi ni Deo, “a story worth telling!” Nilapitan niya ang mag-asawa at nagpakilala. Namukhaan siya kaagad ng mga ito at nalugod na sila’y kinakausap ng isang tao sa TV. Pumayag silang interbyuhin ni Deo.
Nagkuwento si Mang Tom ng kanyang buhay. Ipinanganak na siyang ganoon ang kalagayan kaya iniwan siya ng kanyang ina sa harap ng karnabal. Mula pagkabata ay nagging atrakson na siya dito bilang “Prinsipe ng Mga Pawikan”. Nang makilala niya ang misis niyang si Susie na kapapasok lang sa karnabal bilang assistant ng madyikero ay nagpasya na siyang magretiro. Naging mga musikero sila sa labas ng simbahan, nananalanging may makapansin at mahabag na bigyan sila ng konting panggastos sa araw-araw. Biniyayaan sila ng tatlong anak na matiyaga nilang pinaaaral. Nagmamalaki pang sinabi ni Mang Tom na lahat ng kanyang mga anak ay "buo".
“Bakit ganito pong may kapansanan kayo at mahirap ang buhay ay masaya kayo at parating nakangiti?”, tanong ni Deo.
Kaya nagsalaysay pa si Mang Tom.
“Kasi noong bata pa ako ay sinama ako ng takilyera ng perya para magsimba. Tinulak niya ang kariton ko sa initan papunta dito sa basilika. Hindi ko nakalimutan yung sermon ng pari. Ikinuwento niya yung nangyari daw sa isang bansa sa Europa pagkatapos ng digmaan. May isang lalaki daw na pumasok sa isang simbahan na wasak-wasak dahil pinasabog ng mga kalaban. Sa loob ay nakita niya ang krus ng altar na nasa sahig. Ang Kristo, naputol ang mga kamay at mga paa.
“Nagtulungan ang buong bayan para itayo muli ang simbahan sa kanilang mga sariling kamay. Inilagay nila ang sirang krus sa gitna ng altar. Ang tanging hindi nila pinaayos.
“Ang Kristong putol ang mga kamay at paa. Sa tabi nito ay may nakasulat: KAYO ANG AKING MGA KAMAY. KAYO ANG AKING MGA PAA.
“Hindi ko maintindihan ang reaksyon ko nang marinig ko ang kuwentong 'yon. Humagulgol ako nang humagulgol at hanggang matapos ang Misa ay inaalo ako ng takilyera. Lahat ‘ata ng sama ng loob ko sa buhay, ang galit ko sa nanay ko at ang tampo ko sa Diyos, lahat ng ‘yon parang lumabas sa mainit kong mga mata, dumaloy kasama ng aking luha.
“Pagkatapos n’on, n’ong umuwi na kami sa karnabal, nagdasal ako sa krus na nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Sabi ko sa Kanya na kung puwede lang, dahil wala naman akong mga kamay at paa, kung pupuwedeng Siya na lang ang maging mga kamay ko. Siya na lang ang maging mga paa ko.”
Lumipas ang isang oras, natapos ang interbyu. Nagpaalam na si Deo at nagkasundo silang babalik bukas kasama na ang camera man. Hindi siya palasimba. Pero may kung anong humatak sa kanya papaloob ng simbahan at lumuhod siya sa harap ng altar. Gusto niyang magdasal. Ang unang dasal na gagawin niya sa mahabang panahon. Pero wala siyang maisip. Wala siyang masabi. Dumaloy nang gano’n na lang ang kanyang luha at sinalo naman ng kanyang mga hikbi.
WAKAS
February 25 at Nobyembre 29, 2011

Friday, August 26, 2011
PISO (Maikling Kuwento)
PISO (Maikling Kuwento)
Ni Johnjo Tuason
UMAGA PA LANG AY HINDI NA MAPAKALI SI NANA RITA. Paroo’t-parito, bawat sulok ng maliit niyang bahay ay sinusuyod niya ng kanyang naglalabong mga mata at kinakahig ang lupang sahig, gamit ang baston na gawa sa sirang payong at pinagbabaklas ang mga tangkay.
Inabot na siya ng hapon at nang mahapo na’y umupo sa bangkito at tumanaw sa labas ng bintana. Nakita niya ang balangkas ng apong si Peping na naglalakad palapit ng bahay, tinatakpan ang palubog nang araw.
Pumasok si Peping ng pinto at nagmano sa kanyang lola at umupo sa maliit na mesa. Sinindihan niya ang gasera. Maliit lang dapat ang mitsa, parating sabi ng kanyang lola. Kailangan tipirin ang kerosin. Umupo siya at nilabas mula sa gusgusin niyang bag ang kaisa-isa niyang notebook at pudpud na lapis. Nilapag niya ito sa harapan at sinimulang gawin ang kanyang assignment .
Lahat ito ay pinagmamasdan ni Rita mula sa kanyang kinauupuan. Napangiti ang puso niya (palibhasa’y hindi sanay ngumiti ang labi, ni hindi niya maalala kung kalian siya huling tumawa). Matalino ang apo at masipag. Sayang nga lang at dose anyos na’y nasa grade four pa din. Ilang beses na kasi itong tumigil mag-aral noong ngakasakit ang tatay nito, ang kaisa-isang anak ni Rita na si Beni. Sa buong angkan ni Rita ay walang nakatapos ng pag-aaral. Ipinanganak siyang tagagapas ng tubo ang kanyang mga magulang at iyon na din ang kanilang kinahinatnan magkakapatid. Pinasa niya ang trabahong ito sa anak niya at ito na marahil ang kapalaran ni Peping.
Tumanaw muli sa labas ng bintana si Rita. Nagtatago na ang araw sa likod ng mga kakahuyan. Ilang paglubog ng araw na ang kanyang nasaksihan. Dumaan lang ang mga araw na parang paglalakad pauwi ng mga obrero mula sa tubuhan. Kung ikukuwento ang kanyang buhay pagkatapos ng kanyang pagpanaw ay para lamang mga tubo. Tumutubo, nahinog, at nang naglaon ay gagapasin.
Lumaki siya na parang diyos ang turing sa mga Amo. Bihira makita pero naririnig lang sa mga kuwento-kuwento. Ang madalas lang nilang makita ay ang Tagapamahala ng asyenda, sakay ng kanyang humahagibis na dyip.
Ang Tagapamahala ay mabait at malakas ang karisma. Manugang ng may-ari ng lupain. Bata pa ito at balitang tatakbo sa pulitika. Balitang utang na loob daw ng Amo sa kanya kung bakit napasakanilang pamilya ang malawak na asyenda. Ang asawa nito ang pinakamagandang anak ng Amo.
Sa pagdaan ng mga panahon, nabalitaan ni Rita na masalimoot ang kinahinatnan ng Tagapamahala at ng kanyang asawa. Kinulong daw ang Tagapamahala. Nang naglaon ay nadistiyero sa Amerika at nang umuwi sa Pilipinas ay binaril sa airport. Ngunit wala siyang maramdamang habag sapagkat abala siya sa pag-aasikaso sa asawa at anak, sa paggapas ng tubo at pagsunog ng bigas na gagawing kape sa agahan. Bakit nga ba niya pagkakaabalahan ang trahedya ng buhay ng mga amo gayong ang sarili niyang buhay ay masalimuot din—mas masaklap pa nga dahil kahit anong problema ang dumating sa mga amo ay kumakain pa din sila ng tatlong beses sa isang araw. Samantalang si Rita, pinoproblema araw-araw ang kalam ng sikmura hanggang sa mamatay ang asawa niya.
Hindi siya katulad ng nakatatanda niyang kapatid na pinoproblema ang karapatan nilang mga trabahador. Pag iyon ang pinag-uusapan ay parating galit ang tono ng kanyang Kuya Ikoy. Siguro dahil parati itong nakikisama sa dumadayo sa kanilang lugar na mga mag-aaral. Pawang malalakas ang kanilang boses at parating galit. Itinuturo sa lahat na sila daw ay may karapatan at kailangan itong ipaglaban. Sa kanila daw ang lupang pinagtatrabahuan. May kasunduan daw na ginawa sa pagitan ng gobyerno at Amo. Pagkatapos daw ng ilang taong pagmamay-ari ay dapat ilipat sa pangalan ng mga trabahador ang buong asyenda.
Sinabi niya sa kanyang Kuya Ikoy minsan na huwag nang sumama sa mga taong iyon. Pero wala siyang magawa. Hanggang sa minsan ay nabasag ang kapayapaan ng asyenda. Nagtipon ang mga magsasaka kasama ang kanyang Kuya Ikoy para pakinggan ng mga amo ang kanilang hinaing. Dumating ang mga armadong lalaki at pinaulanan sila ng bala.
Kinausap ni Rita ang kanyang kapatid habang binababa sa hukay. “Bakit mo pa kasi pinoproblema ang lupa? Ang dapat problemahin ay ang kalam ng sikmura. Makakain lang ng kahit isang beses sa isang araw ay sapat na.”
SA PAGGUNITA AY DI NAPANSIN NI RITA na nakatulog na pala ang kanyang apo sa mesa, tinatanuran ng malamlam na liwanag ng gasera ang pagod nitong mukha. Hindi man lang nakakain si Peping ng hapunan. Ubos na ang bigas kaninang umaga at ang asing pang-ulam ay kakaunti na lamang. Tumayo si Rita at nilapitan ang apo. Tinapik niya ito sa balikat at sinenyasang mahiga na sa papag. Pumupungas-pungas pa si Peping nang tumayo at nahiga. Niligpit ni Rita ang notebook at lapis at pinasok sa loob ng bag. Napatingin siya sa apo. Pakikiusapan niya sana ito na huwag muna pumasok sa eskuwela bukas para gumapas ng tubo. Pero naawa siya kaya susunod na araw na lang niya ito sasabihan.
Sa pagpatay ni Rita ng sindi ng gasera’y sumama na dtto ang natitira pang liwanag ng araw. Tulad din ng kanyang buhay, dadaan lang at lilipas. Naupo siya sa tabi ng apo. Napansin niya na may kumislap sa isang sulok. Tumayo si Rita at nagmadaling kinuha ang baston at lupait sa kumikislap. Sa wakas ay nakita din niya ang kanina pang umaga hinahanap. Pinulot niya ang piso at inilibing sa kanyang palad.
Noong isang araw ay nagdesisyon na ang mga amo. Imbis na ibigay sa kanila ang lupa ng buong-buo ay magiging parte sila sa pagmamay-ari ng asyenda. Bibigyan sila ng kani-kanilang dibidendo sapagkat ito ang nararapat sa mga “may-ari” Sila ngayon ay tatawagin dawn a mga “stock-holders”.
Pumila si Rita at tinagggap ang kanyang dibidendo para sa loob ng halos na anim na pung taon na pagtatrabaho sa asyenda—PISO. Pinapirma siya sa isang ledger at kinahig niya ang kanyang pangalan. Matagal na tinitigan ni Rita ang piso sa kaniyang palad. Wala siyang maramdaman. Ito ang halaga ng lahat ng ito. Ang pagkamatay ng kanyang asawa, anak at kapatid. Ang paggapas ng tubo maging ng kanyang apo.
Piso.
Nakatulog si Rita sa tabi ni Peping, tangan-tangan niya sa palad ang kanilang halaga.
WAKAS
--Hulyo 11 at Agosto 13, 2011

Monday, July 11, 2011
Listahan ng Mga Pangarap (Kuwentong Paspasan)
Listahan ng Mga Pangarap
(Kuwentong Paspasan)
Ni Johnjo Tuason
Anim na taong gulang si Sabel nang unang mangarap. Gusto niyang mag-aral pero walang pantustos ang nanay niyang naglalako ng tigsasampung pisong balot ng kamatis at kalamansi sa harap ng munisipyo.
Gusto niyang matutong sumulat. Ang paborito niyang laro ay ang kumuha ng basyong karton ng sigarilyo at sulatan ang blangkong puti ng mga pangarap. Kunwari ay marunong siyang magsulat at kinakahig ng lapis ng kung anu-anong pigurang mukhang letra ang likod ng karton.
“Paglaki ko”, sabi ni Sabel sa sarili, magiging teacher ako. Ituturo ko sa mga bata ang tamang pagsusulat. Ang tamang pagbabasa. Ang tamang pagbigkas ng mga salita.”
At patuloy siyang gumuhit sa listahan niya ng mga pangarap:
ℓµℲ₱€№₲₴≠≤………
DALAWAMPUNG TAON ANG LUMIPAS.
“Waitress!”, sigaw ng isang may edad-medyang lalaki. “Isa pang beer!”
Lumapit si Sabel, inilabas ang notepad at ballpen mula sa apron na mahaba pa ang laylayan sa pagkaikli-ikli niyang shorts.
Inilabas ni Sabel ang order ng lalake. Kasama ng iba pang order na nilista sa blangkong papel.
“Ano pa?”, may pagkagaspang na tanong ni Sabel.
“Wala na.”, sagot ng lalake. “Ay meron pa pala…puwede ka ba ngayong gabi?”
“Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Marami pang order!”
At tinalikuran siya ni Sabel at hinarap ang isa pang kostumer na kanina pa tumatawag.
-WAKAS-
February 25, 2011
EDSA, 25th Anniversary

Friday, July 8, 2011
Nostalgia (Kuwentong Paspasan)
Nostalgia
(Kuwentong Paspasan)
Ni Johnjo Tuason
“Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon”
--Noel Cabangon
High na high si Dan sa pagmamahal sa bayan ngayon. Nasa paanan siya ng stage sa libreng pa-concert na inorganisa ng pamahalaan at kanilang supporters para sa pagdiriwang ng 25th year anniversary ng EDSA 1986 revolution.
Iba talaga ang feeling kung ipinagdiriwang ang kalayaan, naisip ni Dan. ‘Di pa siya pinapanganak noong mapayapang rebolusyon ngunit sabik na sabik siyang makiisa sa pagdiriwang na ito. Fourth year high school siya sa isang pribadong Catholic school at paulit-ulit na tinuturo sa kanya ang pagmamahal sa Diyos at bayan.
Nagsimula ang lahat noong namatay si President Cory at isa siya sa mga libu-libong nakipaglibing. Suot niya’y dilaw na t-shirt na may mukha ng mag-asawang Aquino, tangan-tangan ang dilaw na kandilang binili niya sa harap ng gate ng Manila Memorial. Noong nakita niya si Noynoy ay nagkaroon siya ng pagnanasang kamayan ito.
“Pagbabago”. Ito ang paulit-ulit na dumadaan sa isip ni Dan habang pinapasok niya ang sementeryo at nasaksihan ang paghila ng karosang de kabayo sa kabaong ng yumao. Kahit wala pa sa edad ng pagboboto ay kinakampanya niya si Noynoy sa kanyang mga magulang na pinag-iisipang si Manny Villar ang pipiliin sa eleksyon. Nakapirdible siya ng dilaw na ribbon pag pumapasok sa eskuwelahan at lahat ng notebook ay dinikitan ng yellow ribbon sticker. Ito ang kanyang kontribusyon sa pagtahak ng tuwid na landas.
At ngayong nasa harap siya ng stage at nakikinig sa isang makabayang awitin ni Noel Cabangon ay di niya napigilang pumatak ang isang luha sa kanyang mata.
Uminom pa si Dan ng natitirang distilled water mula sa botelyang plastic at tinapon ang basyo sa gilid ng daan, kasama ng iba pang kalat ng pinagkainan, balat ng kendi at upos ng sigarilyo na inipon ng kahabaan ng EDSA mula sa mga nagsipagdiwang.
Nanatiling nilulunod ng awitin ang diwang makabayan ni Dan at napabuntunghininga, “Ang sarap talagang maging Pilipino.”
--WAKAS—
March 1, 2011

Friday, June 10, 2011
Light My Path Teresa.
I finished the book "Come Be My Light" last night. It is about the secret letters of Mother Teresa about her interior life. For almost half of her life, she did not feel the love of God though she gave her all to Him until the end.
I sobbed as I finished the last pages. Now I have another favorite saint along with St. Teresa of Avila and St. Francis of Assisi. And I seek her intercession as she promised: “If I ever become a Saint - I will surely be one of ‘darkness.’ I will continually be absent from Heaven – to light the light of those in darkness on earth.”
Pray for me, Mother, that I may follow the light even if I only feel darkness all around me.

Wednesday, June 8, 2011
Infatuated or Love?
This is not about romance so don't be fooled by the title.
In 2007, I fell in love with Francis. Giovanni Francesco Bernadone to be exact. The Poverello, The Little Poor Man from Assisi and his message of peace made me think of how I see life and my relationship with God. This was when I felt depressed and I was looking for meaning in the wrong places.
St. Francis embraced poverty. By doing this he acknowledged his nothingness without God. He propagated peace which I believe he got from the Benedictines and his own experience of useless war. He united himself with God's creation and saw Him in everything and everyone.
Faced with perceived responsibilities and preoccupations, I am now confused if I'm really in love with Franciscanism or is it just an infatuation with its symbols such as the Tau and San Damiano Crosses and the three-knotted rope fastened around a franciscan's waist.
But what about really living out poverty? What about living in chastity and obedience? Am I ready for it? Am I being called to a life with these virtues?
Subscribe to:
Posts (Atom)