Tuesday, November 29, 2011

Origami (Maikling Kuwento)

Origami
Ni JohnjoTuason

UMUWI ANG MANUNULAT na may kung anong mabigat na dumadagan sa dibdib. Galing siya sa espesyalistang duktor at ipinagtapat sa kanya na may cancer siya sa bituka at ilang buwan na lang ang itatagal ng kanyang buhay. Pampalubag loob pang sinabi sa kanya na tulad ng karaniwang nangyayari, kung maganda ang pagresponde ng katawan niya sa treatment ay maaaring umabot pa siya ng isang taon.

Sinalubong ang Manunulat ng kanyang nanay at napansin agad na mayroon siyang dinaramdam.

“May problem ba?”, tanong nito.

Bakit ba gano’n ang mga nanay? Kahit pagkatapos ng mahabang panahong magluwal ng anak ay hindi na kailanman napuputol ang pising nagdudugtong sa kanilang mga pusod?

Tinitigan niya ang nanay niya at marahang hinatak papunta sa kuwarto niya. Halos tatlong oras sila sa loob at kinabahan ang katulong na si Ditas nang marinig ang impit na pag-iyak ng nanay ng Manunulat sa loob ng kuwarto.


MAG-AALAS KUWATRO NG HAPON ng tumigil ang dilaw na school service sa harap ng bahay at bumaba ang batang si Ignatius na ang bansag sa bahay ay “Intoy”. Anak siya ng Manunulat sa pagkabinata. Mabilis itong pumasok ng bahay at sinalubong ng kanyang tatay na binuhat siya at niyakap ng mahigpit.

“Nako”, sabi ng Manunulat., “ang bigat-bigat mo na!”

“Eh paanong hindi bibigat, lumalaki na!”, ang sabi ng nanay ng Manunulat mula sa likod. “Sinanay mo kasing buhatin, grade 5 na! O, dito na sa kusina para magmeryenda.”

Habang pinagmamasdan ng Manunulat ang anak na kumakain ng sampurado ay naramdaman niya ang matinding lungkot. Kaya naisip niyang hindi na ipagtatapat kay Intoy na siya ay may sakit at mamamatay.

Napansin pala ng nanay niya ang tulalang panonood niya sa bata at hindi napigilang maapektuhan. Tumayo itong bigla at nagpaalam. “Babanyo muna ako”, nanginginig ang boses nitong sinabi at dali-daling tumalikod.



DATI, BINIBILANG PA NG MANUNULAT ANG KANYANG MGA AKDA. Ilan ba ang na-publish? Ilan ba ang pinarangalan? Ilan ba ang pinistaan? Ilan ang nanatiling ideya na lamang at hindi na tuluyang nahabi at nabuo? Ngayong nasentenysahan na ang kanyang buhay at paubos na ang kanyang mga natitirang araw ay hindi siya mapakali. Gusto niyang sumulat nang sumulat, ibuhos ng kanyang diwa ang lahat ng posibilidad, taktakin ang utak niya’t pagiging malikhain. Nagmadali siya. Magdamag siyang humarap sa PC at tumipa siya. Sinabayan niya ang mga segundo. Tumipa siya hanggang sa malagpasan na niya ang pagpitik ng mga mili-segundo. Lahat ng kulay na nakita ay naging maikling kuwento. Lahat ng naamoy at narinig ay nagkaroon ng sukat at metro. Lahat ng masalat ng mga daliri at palad ay naging mga dula at nobela. Umikot ng umikot ang kanyang ulo at saka nahilo. Hanggang sa isang gabi ay nanlaban na ang sariling katawan at pagod siyang sumalampak sa kanyang kama.

Narinig niyang umiiyak si Intoy sa kabilang kuwarto. Tumayo siya at nagmadaling pumunta sa anak. Nakita niya itong nakaupo sa tabi ng kama, tangan-tangan ang isang tupi-tuping papel na iniiyakan ng bata.

“O, ano’ng nangyari?” Tinabihan niya ito.

“Tinutukso po ako ng mga kaklase ko”, paliwanag ni Intoy na hihikbi-hikbi pa. “Pinagagawa kami ng origami ni teacher pero di ako makasunod. Pinagtawanan nila ako.”

Inakbayan ng Manunulat ang bata at kinuha mula dito ang tupi-tuping papel. “Ano ba dapat ‘to?”, tanong niya.

“Aso po”.

Ang ginawa ng Manunulat ay binuklat ang papel at tinuwid ang gusut-gusot. Sinimulan niyang tupiin muli ang papel sa harap ng bata at unti-unting nagkaroon ito ng katawan ng aso, nagkaroon ng nguso, tenga, mga paa, at buntot. Bukang-buka ang mga mata ni Intoy sa pagkamangha. “Marunong ka, Tatay?”, bulalas nito.

Napangiti ang Manunulat. Tinuruan niya ang anak kung paano gumawa ng asong papel. Tupi sila nang tupi hanggang sa huli ay nakuha din ni Intoy kung papano gumawa ng asong papel. Naengganyo silang mag-ama kaya halos singkuwentang asong papel ang nalikha noong gabing ‘yon.

Nakita ng Manunulat ang saya ni Intoy kaya’t sa mga sumunod pang araw ay iba’t-ibang anyo ng origami ang itinuro niya dito: pusa, bahay, Bangka, ibon, dinosaur, bola, kahon, bulaklak. Nang naubusan siya ng origaming alam ay naghanap siya sa Google na siyang ginawa nilang mag-ama gabi-gabi bago matulog. Pati pinakakumplikado ay pinag-aralan nilang dalawa gawin: telebisyon, computer, space ship, simbahan, eroplanong may tarmac, haring nakaupo sa trono, prinsesang nasa tuktok ng tore at naghihintay ng sasagip, kabalyerong may tangan-tangang espada, sapatos ni Cinderella, huklubang may dalang basket at may maliliit na mansanas.

Isanglibo’t isang kuwentong hindi isinulat ng tinta kundi itinupi ng mga daliri. Nang maubusan ng papel ay sinimulang tupiin ang mga pahina ng mga pinagsulatan ng Manunulat. Pamilyang gawa sa papel, kusinang gawa sa papel, baul ng kayamanang gawa sa papel, papel na duktor na may stethoscope, hiringgilya, ambulansya, hospital bed…

At dumating ang araw na nakaratay na sa higaan ang Manunulat. Kapiling niya gabi-gabi ang anak. Ang paligid nila’y isang museo ng iba’t ibang uri ng origami. Sa buong panahong ito ay hindi na nakapagsulat pa ang Manunulat. Walang bagong kuwento siyang nalikha. Tanging mga bangka-bangkaan, bahay-bahayan, kastilyo-kastilyuhan at tao-tauhan lang na gawa sa papel.

Pero ‘di bale na.

Magkahawak ng kamay ang mag-ama. Hindi na makapagsalita ang Manunulat. Ngiti lang ang binibigay niya sa anak. Si Intoy naman, madalas lumuha ngunit nakangiti din sa kanyang tatay.

Hanggang sa ibuhos na ng Manunulat ang kanyang kaluluwa. At nataktak na mula sa kanyang baga ang huli niyang hininga.


GAGRADWEYT NA SI IGNATIUS O INTOY MULA SA KOLEHIYO sa susunod na Sabado. Nagkataong ang araw na iyon ay siya ring kaarawan ng kanyang yumaong tatay. Napaisip siya kung ano ang maaari pang ihandog sa tatay niya bukod sa kanyang pagtatapos. Umupo si Intoy sa harap ng PC ng Manunulat at sa piling ng isanlibo’t isang origami ay nagsimulang tumipa’t sumulat.

“Noong bata ako, tinuruan ako ni Tatay gumawa ng asong papel…”


WAKAS

Nobyembre 30, 2011
Anibersaryo ng kamatayan ng aking Ate:

Monique Tuason
(Mayo 24, 1979-Nobyembre 30, 2005)

Monday, November 28, 2011

Mga Kamay, Mga Paa (Maikling Kuwento)

Mga Kamay, Mga Paa

Ni Johnjo Tuason

May hinahanap si Deo Manahan na hindi niya matukoy kung ano. Para sa iba ay parang nasa kanya na ang lahat. Galing siya sa maykayang pamilya at nagtapos sa isang prestisyosong unibersidad. Nagtapos siya ng Journalism at ngayon ay itinuturing na isa sa mga mahuhusay na field reporters ng SDB-3 news and current affairs. Noon ay “bright boy” ang tawag sa kanya ng kanyang mga boss. Minsan ay inanyayahan pa siyang mag-lunch ng CEO ng kumpanya para pag-usapan ang kanyang magandang kinabukasan sa media.

Pero tulad ng balon na natutuyuan din, naubusan ng istoryang magaganda ang utak ni Deo. Kung bakit ba naman sumabay pa sa pinagdadaanan niyang quarter life crisis! Kaya tuloy mas umigting ang kanyang depresyon nang minsan ay nakatanggap siya ng memo mula sa VP ng news at current affairs na si Lorena Dejado na “to shape up or else!”

Minsan ay napadaan si Deo sa simbahan ng San Lorenzo Ruiz sa Binondo, nagbabakasakaling makahanap ng kuwento. Napansin niya ang mag-asawang nakaupo sa harap ng simbahan. Maalaga ang babae sa kanyang mister at parang kinikilig pa si lalaki habang pinupunasan siya ng pawis ng kanyang minamahal. Mayamaya’y kinuha na ng babae ang gitara na nakasandal sa pader at nagsimulang tumugtog. Umawit ang lalaki ng “Green Grass of Home.”

Pero ang talagang nakatawag ng pansin ni Deo ay ang lalaki. Putol ang mga braso at binti nito. Para itong manikang sira na nakapatong sa isang lumang kariton na siguradong tinutulak ng kanyang misis saan man niya gustong pumunta.

“Sa wakas”, sabi ni Deo, “a story worth telling!” Nilapitan niya ang mag-asawa at nagpakilala. Namukhaan siya kaagad ng mga ito at nalugod na sila’y kinakausap ng isang tao sa TV. Pumayag silang interbyuhin ni Deo.

Nagkuwento si Mang Tom ng kanyang buhay. Ipinanganak na siyang ganoon ang kalagayan kaya iniwan siya ng kanyang ina sa harap ng karnabal. Mula pagkabata ay nagging atrakson na siya dito bilang “Prinsipe ng Mga Pawikan”. Nang makilala niya ang misis niyang si Susie na kapapasok lang sa karnabal bilang assistant ng madyikero ay nagpasya na siyang magretiro. Naging mga musikero sila sa labas ng simbahan, nananalanging may makapansin at mahabag na bigyan sila ng konting panggastos sa araw-araw. Biniyayaan sila ng tatlong anak na matiyaga nilang pinaaaral. Nagmamalaki pang sinabi ni Mang Tom na lahat ng kanyang mga anak ay "buo".

“Bakit ganito pong may kapansanan kayo at mahirap ang buhay ay masaya kayo at parating nakangiti?”, tanong ni Deo.

Kaya nagsalaysay pa si Mang Tom.

“Kasi noong bata pa ako ay sinama ako ng takilyera ng perya para magsimba. Tinulak niya ang kariton ko sa initan papunta dito sa basilika. Hindi ko nakalimutan yung sermon ng pari. Ikinuwento niya yung nangyari daw sa isang bansa sa Europa pagkatapos ng digmaan. May isang lalaki daw na pumasok sa isang simbahan na wasak-wasak dahil pinasabog ng mga kalaban. Sa loob ay nakita niya ang krus ng altar na nasa sahig. Ang Kristo, naputol ang mga kamay at mga paa.

“Nagtulungan ang buong bayan para itayo muli ang simbahan sa kanilang mga sariling kamay. Inilagay nila ang sirang krus sa gitna ng altar. Ang tanging hindi nila pinaayos.

“Ang Kristong putol ang mga kamay at paa. Sa tabi nito ay may nakasulat: KAYO ANG AKING MGA KAMAY. KAYO ANG AKING MGA PAA.

“Hindi ko maintindihan ang reaksyon ko nang marinig ko ang kuwentong 'yon. Humagulgol ako nang humagulgol at hanggang matapos ang Misa ay inaalo ako ng takilyera. Lahat ‘ata ng sama ng loob ko sa buhay, ang galit ko sa nanay ko at ang tampo ko sa Diyos, lahat ng ‘yon parang lumabas sa mainit kong mga mata, dumaloy kasama ng aking luha.

“Pagkatapos n’on, n’ong umuwi na kami sa karnabal, nagdasal ako sa krus na nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Sabi ko sa Kanya na kung puwede lang, dahil wala naman akong mga kamay at paa, kung pupuwedeng Siya na lang ang maging mga kamay ko. Siya na lang ang maging mga paa ko.”

Lumipas ang isang oras, natapos ang interbyu. Nagpaalam na si Deo at nagkasundo silang babalik bukas kasama na ang camera man. Hindi siya palasimba. Pero may kung anong humatak sa kanya papaloob ng simbahan at lumuhod siya sa harap ng altar. Gusto niyang magdasal. Ang unang dasal na gagawin niya sa mahabang panahon. Pero wala siyang maisip. Wala siyang masabi. Dumaloy nang gano’n na lang ang kanyang luha at sinalo naman ng kanyang mga hikbi.


WAKAS

February 25 at Nobyembre 29, 2011

Friday, August 26, 2011

PISO (Maikling Kuwento)

PISO (Maikling Kuwento)

Ni Johnjo Tuason


UMAGA PA LANG AY HINDI NA MAPAKALI SI NANA RITA. Paroo’t-parito, bawat sulok ng maliit niyang bahay ay sinusuyod niya ng kanyang naglalabong mga mata at kinakahig ang lupang sahig, gamit ang baston na gawa sa sirang payong at pinagbabaklas ang mga tangkay.

Inabot na siya ng hapon at nang mahapo na’y umupo sa bangkito at tumanaw sa labas ng bintana. Nakita niya ang balangkas ng apong si Peping na naglalakad palapit ng bahay, tinatakpan ang palubog nang araw.

Pumasok si Peping ng pinto at nagmano sa kanyang lola at umupo sa maliit na mesa. Sinindihan niya ang gasera. Maliit lang dapat ang mitsa, parating sabi ng kanyang lola. Kailangan tipirin ang kerosin. Umupo siya at nilabas mula sa gusgusin niyang bag ang kaisa-isa niyang notebook at pudpud na lapis. Nilapag niya ito sa harapan at sinimulang gawin ang kanyang assignment .

Lahat ito ay pinagmamasdan ni Rita mula sa kanyang kinauupuan. Napangiti ang puso niya (palibhasa’y hindi sanay ngumiti ang labi, ni hindi niya maalala kung kalian siya huling tumawa). Matalino ang apo at masipag. Sayang nga lang at dose anyos na’y nasa grade four pa din. Ilang beses na kasi itong tumigil mag-aral noong ngakasakit ang tatay nito, ang kaisa-isang anak ni Rita na si Beni. Sa buong angkan ni Rita ay walang nakatapos ng pag-aaral. Ipinanganak siyang tagagapas ng tubo ang kanyang mga magulang at iyon na din ang kanilang kinahinatnan magkakapatid. Pinasa niya ang trabahong ito sa anak niya at ito na marahil ang kapalaran ni Peping.

Tumanaw muli sa labas ng bintana si Rita. Nagtatago na ang araw sa likod ng mga kakahuyan. Ilang paglubog ng araw na ang kanyang nasaksihan. Dumaan lang ang mga araw na parang paglalakad pauwi ng mga obrero mula sa tubuhan. Kung ikukuwento ang kanyang buhay pagkatapos ng kanyang pagpanaw ay para lamang mga tubo. Tumutubo, nahinog, at nang naglaon ay gagapasin.

Lumaki siya na parang diyos ang turing sa mga Amo. Bihira makita pero naririnig lang sa mga kuwento-kuwento. Ang madalas lang nilang makita ay ang Tagapamahala ng asyenda, sakay ng kanyang humahagibis na dyip.

Ang Tagapamahala ay mabait at malakas ang karisma. Manugang ng may-ari ng lupain. Bata pa ito at balitang tatakbo sa pulitika. Balitang utang na loob daw ng Amo sa kanya kung bakit napasakanilang pamilya ang malawak na asyenda. Ang asawa nito ang pinakamagandang anak ng Amo.

Sa pagdaan ng mga panahon, nabalitaan ni Rita na masalimoot ang kinahinatnan ng Tagapamahala at ng kanyang asawa. Kinulong daw ang Tagapamahala. Nang naglaon ay nadistiyero sa Amerika at nang umuwi sa Pilipinas ay binaril sa airport. Ngunit wala siyang maramdamang habag sapagkat abala siya sa pag-aasikaso sa asawa at anak, sa paggapas ng tubo at pagsunog ng bigas na gagawing kape sa agahan. Bakit nga ba niya pagkakaabalahan ang trahedya ng buhay ng mga amo gayong ang sarili niyang buhay ay masalimuot din—mas masaklap pa nga dahil kahit anong problema ang dumating sa mga amo ay kumakain pa din sila ng tatlong beses sa isang araw. Samantalang si Rita, pinoproblema araw-araw ang kalam ng sikmura hanggang sa mamatay ang asawa niya.

Hindi siya katulad ng nakatatanda niyang kapatid na pinoproblema ang karapatan nilang mga trabahador. Pag iyon ang pinag-uusapan ay parating galit ang tono ng kanyang Kuya Ikoy. Siguro dahil parati itong nakikisama sa dumadayo sa kanilang lugar na mga mag-aaral. Pawang malalakas ang kanilang boses at parating galit. Itinuturo sa lahat na sila daw ay may karapatan at kailangan itong ipaglaban. Sa kanila daw ang lupang pinagtatrabahuan. May kasunduan daw na ginawa sa pagitan ng gobyerno at Amo. Pagkatapos daw ng ilang taong pagmamay-ari ay dapat ilipat sa pangalan ng mga trabahador ang buong asyenda.

Sinabi niya sa kanyang Kuya Ikoy minsan na huwag nang sumama sa mga taong iyon. Pero wala siyang magawa. Hanggang sa minsan ay nabasag ang kapayapaan ng asyenda. Nagtipon ang mga magsasaka kasama ang kanyang Kuya Ikoy para pakinggan ng mga amo ang kanilang hinaing. Dumating ang mga armadong lalaki at pinaulanan sila ng bala.

Kinausap ni Rita ang kanyang kapatid habang binababa sa hukay. “Bakit mo pa kasi pinoproblema ang lupa? Ang dapat problemahin ay ang kalam ng sikmura. Makakain lang ng kahit isang beses sa isang araw ay sapat na.”


SA PAGGUNITA AY DI NAPANSIN NI RITA na nakatulog na pala ang kanyang apo sa mesa, tinatanuran ng malamlam na liwanag ng gasera ang pagod nitong mukha. Hindi man lang nakakain si Peping ng hapunan. Ubos na ang bigas kaninang umaga at ang asing pang-ulam ay kakaunti na lamang. Tumayo si Rita at nilapitan ang apo. Tinapik niya ito sa balikat at sinenyasang mahiga na sa papag. Pumupungas-pungas pa si Peping nang tumayo at nahiga. Niligpit ni Rita ang notebook at lapis at pinasok sa loob ng bag. Napatingin siya sa apo. Pakikiusapan niya sana ito na huwag muna pumasok sa eskuwela bukas para gumapas ng tubo. Pero naawa siya kaya susunod na araw na lang niya ito sasabihan.

Sa pagpatay ni Rita ng sindi ng gasera’y sumama na dtto ang natitira pang liwanag ng araw. Tulad din ng kanyang buhay, dadaan lang at lilipas. Naupo siya sa tabi ng apo. Napansin niya na may kumislap sa isang sulok. Tumayo si Rita at nagmadaling kinuha ang baston at lupait sa kumikislap. Sa wakas ay nakita din niya ang kanina pang umaga hinahanap. Pinulot niya ang piso at inilibing sa kanyang palad.

Noong isang araw ay nagdesisyon na ang mga amo. Imbis na ibigay sa kanila ang lupa ng buong-buo ay magiging parte sila sa pagmamay-ari ng asyenda. Bibigyan sila ng kani-kanilang dibidendo sapagkat ito ang nararapat sa mga “may-ari” Sila ngayon ay tatawagin dawn a mga “stock-holders”.

Pumila si Rita at tinagggap ang kanyang dibidendo para sa loob ng halos na anim na pung taon na pagtatrabaho sa asyenda—PISO. Pinapirma siya sa isang ledger at kinahig niya ang kanyang pangalan. Matagal na tinitigan ni Rita ang piso sa kaniyang palad. Wala siyang maramdaman. Ito ang halaga ng lahat ng ito. Ang pagkamatay ng kanyang asawa, anak at kapatid. Ang paggapas ng tubo maging ng kanyang apo.

Piso.

Nakatulog si Rita sa tabi ni Peping, tangan-tangan niya sa palad ang kanilang halaga.


WAKAS
--Hulyo 11 at Agosto 13, 2011

Monday, July 11, 2011

Listahan ng Mga Pangarap (Kuwentong Paspasan)

Listahan ng Mga Pangarap
(Kuwentong Paspasan)

Ni Johnjo Tuason

Anim na taong gulang si Sabel nang unang mangarap. Gusto niyang mag-aral pero walang pantustos ang nanay niyang naglalako ng tigsasampung pisong balot ng kamatis at kalamansi sa harap ng munisipyo.

Gusto niyang matutong sumulat. Ang paborito niyang laro ay ang kumuha ng basyong karton ng sigarilyo at sulatan ang blangkong puti ng mga pangarap. Kunwari ay marunong siyang magsulat at kinakahig ng lapis ng kung anu-anong pigurang mukhang letra ang likod ng karton.

“Paglaki ko”, sabi ni Sabel sa sarili, magiging teacher ako. Ituturo ko sa mga bata ang tamang pagsusulat. Ang tamang pagbabasa. Ang tamang pagbigkas ng mga salita.”

At patuloy siyang gumuhit sa listahan niya ng mga pangarap:

ℓµℲ₱€№₲₴≠≤………

DALAWAMPUNG TAON ANG LUMIPAS.

“Waitress!”, sigaw ng isang may edad-medyang lalaki. “Isa pang beer!”

Lumapit si Sabel, inilabas ang notepad at ballpen mula sa apron na mahaba pa ang laylayan sa pagkaikli-ikli niyang shorts.

Inilabas ni Sabel ang order ng lalake. Kasama ng iba pang order na nilista sa blangkong papel.

“Ano pa?”, may pagkagaspang na tanong ni Sabel.

“Wala na.”, sagot ng lalake. “Ay meron pa pala…puwede ka ba ngayong gabi?”

“Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Marami pang order!”

At tinalikuran siya ni Sabel at hinarap ang isa pang kostumer na kanina pa tumatawag.

-WAKAS-

February 25, 2011
EDSA, 25th Anniversary

Friday, July 8, 2011

Nostalgia (Kuwentong Paspasan)

Nostalgia
(Kuwentong Paspasan)

Ni Johnjo Tuason

“Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon”
--Noel Cabangon


High na high si Dan sa pagmamahal sa bayan ngayon. Nasa paanan siya ng stage sa libreng pa-concert na inorganisa ng pamahalaan at kanilang supporters para sa pagdiriwang ng 25th year anniversary ng EDSA 1986 revolution.

Iba talaga ang feeling kung ipinagdiriwang ang kalayaan, naisip ni Dan. ‘Di pa siya pinapanganak noong mapayapang rebolusyon ngunit sabik na sabik siyang makiisa sa pagdiriwang na ito. Fourth year high school siya sa isang pribadong Catholic school at paulit-ulit na tinuturo sa kanya ang pagmamahal sa Diyos at bayan.

Nagsimula ang lahat noong namatay si President Cory at isa siya sa mga libu-libong nakipaglibing. Suot niya’y dilaw na t-shirt na may mukha ng mag-asawang Aquino, tangan-tangan ang dilaw na kandilang binili niya sa harap ng gate ng Manila Memorial. Noong nakita niya si Noynoy ay nagkaroon siya ng pagnanasang kamayan ito.

“Pagbabago”. Ito ang paulit-ulit na dumadaan sa isip ni Dan habang pinapasok niya ang sementeryo at nasaksihan ang paghila ng karosang de kabayo sa kabaong ng yumao. Kahit wala pa sa edad ng pagboboto ay kinakampanya niya si Noynoy sa kanyang mga magulang na pinag-iisipang si Manny Villar ang pipiliin sa eleksyon. Nakapirdible siya ng dilaw na ribbon pag pumapasok sa eskuwelahan at lahat ng notebook ay dinikitan ng yellow ribbon sticker. Ito ang kanyang kontribusyon sa pagtahak ng tuwid na landas.

At ngayong nasa harap siya ng stage at nakikinig sa isang makabayang awitin ni Noel Cabangon ay di niya napigilang pumatak ang isang luha sa kanyang mata.

Uminom pa si Dan ng natitirang distilled water mula sa botelyang plastic at tinapon ang basyo sa gilid ng daan, kasama ng iba pang kalat ng pinagkainan, balat ng kendi at upos ng sigarilyo na inipon ng kahabaan ng EDSA mula sa mga nagsipagdiwang.

Nanatiling nilulunod ng awitin ang diwang makabayan ni Dan at napabuntunghininga, “Ang sarap talagang maging Pilipino.”

--WAKAS—

March 1, 2011

Friday, June 10, 2011

Light My Path Teresa.

I finished the book "Come Be My Light" last night. It is about the secret letters of Mother Teresa about her interior life. For almost half of her life, she did not feel the love of God though she gave her all to Him until the end.

I sobbed as I finished the last pages. Now I have another favorite saint along with St. Teresa of Avila and St. Francis of Assisi. And I seek her intercession as she promised: “If I ever become a Saint - I will surely be one of ‘darkness.’ I will continually be absent from Heaven – to light the light of those in darkness on earth.”

Pray for me, Mother, that I may follow the light even if I only feel darkness all around me.

Wednesday, June 8, 2011

Infatuated or Love?


This is not about romance so don't be fooled by the title.

In 2007, I fell in love with Francis. Giovanni Francesco Bernadone to be exact. The Poverello, The Little Poor Man from Assisi and his message of peace made me think of how I see life and my relationship with God. This was when I felt depressed and I was looking for meaning in the wrong places.

St. Francis embraced poverty. By doing this he acknowledged his nothingness without God. He propagated peace which I believe he got from the Benedictines and his own experience of useless war. He united himself with God's creation and saw Him in everything and everyone.

Faced with perceived responsibilities and preoccupations, I am now confused if I'm really in love with Franciscanism or is it just an infatuation with its symbols such as the Tau and San Damiano Crosses and the three-knotted rope fastened around a franciscan's waist.

But what about really living out poverty? What about living in chastity and obedience? Am I ready for it? Am I being called to a life with these virtues?

Tuesday, June 7, 2011

Story of A Friar


I now follow and enjoy this blog by a Franciscan Capuchin friar from the States and his name is Fr. Charles. He mentioned that he is a Catholic convert and he loves to sing. Actually, he really knows his music--from liturgical chants to punk rock songs. The latter is his favorite and he mentions in one post that his vocation song is actually a punk rock song by a band named The Mr. T. Experience.

I enjoy his blog because it's holiness is not "above the clouds" and actually, it can appeal to the youth.

Fr. Charles got me interested because I have a high regard to people who converted to Christianity. They cherish their faith as one would guard a well kept treasure. In contrast to some who were baptized from birth like me who regard their faith just like a relationship status in a social network site.

Sometimes I'm humbled by converts to Catholicism like Fr. Charles and Steve Ray, the Catholic apologist. They make me reflect on how I give importance to my faith.

Friday, May 13, 2011

Grace


Nothing is an accident. Everything is a grace. I forgot who said that but I read it somewhere. Three years ago, I bought this book on the life of a saint in one of those bargain bookstores that I usually haunt. The saint is St. Marie Eugenie of Jesus, the foundress of the Religious of the Assumption. I bought it because my mother studied in the Assumption from pre-school to college. That was it.

Three years after, I find myself applying for a teaching job in that same school. It was just to give it a try. I even didn't know if there was a vacancy. Suddenly I found myself going back for a couple of times and then, I was accepted. Just like that.

I believe that this is part of my growth. I learned a lot from my previous school. Now everything that I randomly learned will take form, will solidify. In Filipino, dito ako magkakabuto. The first three days were overwhelming, but this excites me. I know I'll become a better teacher.

While my partner for the year level that I'm going to teach was giving me references to study, she gave me the same book that I already have on the life of Marie Eugenie. I told her I already have that book and told her how I got it. She smiled and said that I was being prepared for this.

I didn't realize it until she said that.

Nothing is an accident, some saint said. Everything is a grace.

Walang bagay na nagkataon lang. Ang lahat ay biyaya.

In one of our morning sharing sessions, I told my new coordinator this: It is written that when the student is ready, the teacher will come. Along with that line, I also believe that when the teacher needs to be challenged, the student will come.

Amen to that.

Tuesday, May 10, 2011

Para Mabuhay (Kuwentong Paspasan)

Para Mabuhay
(Kuwentong Paspasan)
Ni Johnjo Tuason

Galing Pakistan si Rashid. Edad medya na siya nang magdesisyon na pumunta ng Pilipinas at makipagsapalaran. Nagtayo siya ng karinderya at estante ng cellphone sa gilid ng baranggay hall.

Pagkatapos ng tatlong taon, ang tawag sa kanya ng lahat ay "Ang Bumbay" kahit na ni minsan ay di pa siya nakaapak ng India at kaaway iyon ng kanyang bansa. Apat na beses na siyang hinoldap ng iisang tao lang at hindi niya mawari kung bakit tuwing pinahuhuli niya sa mga tanod ang buhong na iyon ay nakakaalpas naman kinabukasan.

Kaya ang ginawa na lang ni Rashid, bumili ng golf club na minsang nakita niyang nakadispley sa Japan Surplus. Tangan-tangan niya sa tuwina tuwing lumalabas ng bahay, pananggalang sa sinumang magtatangka.

--May 4, 2011

Wednesday, May 4, 2011

Padasal (Kuwentong Paspasan)

Padasal
(Kuwentong Paspasan)

Ni Johnjo Tuason

Naglalako si Catalina ng dasal sa mga hagdan ng basilica ng Birhen ng Peñafrancia. Tangan ang nangangalawang na rosaryo at lukot-lukot nang nobena ay nilalapitan niya ang mga nagsisimba, mga dayo at mga deboto at tatanungin ng “Nobena po? Magpapadasal po ng mga intensiyon at hiling kay Ina?”

Sampung taon na niyang hanapbuhay ito. Mula noong minsan ay nangailangan at pumunta ng basilica para manalangin kay Ina. Namatay ang nag-iisang anak at iniwan ang kanyang apong may leukemia. Halos isang buwan siyang pabalik-balik sa dambana upang haplusin ang kapa ng imahen ngunit nanatiling mailap ang kasagutan sa kanyang mga problema.

Minsan siya’y nakaluhod at nananalangin ay may tumabi sa kanyang nanay na may tangang anak. Walang malay ang batang babae. Halos pumutok ang puso ng babae habang pinagdarasal ang anak.

Bumulong si Catalina ng panalangin kay Ina. Maawa ka sa babaeng ito, sabi niya. Biglang gumising ang bata at tumayo. Tinatanong ang kanyang nanay kung bakit ito umiiyak.

Madalas balikan si Catalina ng mga suki at nagpapasalamat sa kanya at nitong huli ay hindi na niya tinatanong sa Diyos kung bakit ba ang mga dasal niya para sa sarili ay tila hindi sinasagot.

--May 5, 2011
(Sanlinggo pagkatapos dumalaw sa Basilica ng Peñafrancia, Naga City)

Walang Hanggan (Kuwentong Paspasan)

Walang Hanggan
(Kuwentong Paspasan)

Ni Johnjo Tuason
Alay kina Tatum at Iggy


Maaaring nangyari o hindi ang kuwentong ito.

Na noong sumabog ang Mayon noong 1814 at dumagsa ang taong bayan sa simbahan ay kabilang sa kanila ang magsing-irog. Itinanghal ng banal na Padre ang Santisimo Sacramento sa altar upang maging kalakasan ng lahat. Lumuhod ang taong bayan at nagsimulang umawit ng “Te Deum”.

Biglang pumasok ang takot na takot na sacristan. Inanunsyong paparating na sa kanilang lugar ang dagat na apoy mula sa bulkan. Nagsigawan ang lahat. Nahibang ang mga kababaihan at ang mga makasalanan ay tumangis sa harap ng Diyos. May mga kumapit sa abito ng Padre at humingi ng saklolo. Walang magawa ang matandang prayle kundi magsisi kung bakit niya iniwan ang España.

Wala nang makakaalam pa kung sino ang nagyaya o humatak. Tumakbo ang magsing-irog at umakyat sa matayog na kampanaryo upang doon humanap ng kaligtasan. Mula sa tuktok ay nakita nila kung papano kumutan ng nagliliyab na dagat ang bukirin at hanggang sa lamunin nito ang mga kabahayan. Rumagasa ito sa ilalim nila at bawat madaanan ay natupok.

Hindi na makayanan ng magsing-irog ang nakapapasong init, ang usok at ang nakakasulasok na amoy ng asupre. Naglapat ang kanilang mga labi at yumakap sa isa’t-isa. Hanggang inubos ng marubdob nilang damdamin ang kanilang hininga.

Dalawang daang taon ang nagdaan. Sa paanan ng kampanaryo ng Cagsawa, pagkatapos magpalitrato sa tour guide ay di napigilan nina Kirk at Constance at sila’y naghalikan sa ilalim ng nangangalit na araw. Mula sa kalayuan ay parang nakarinig si Constance ng mahinang pag-awit. Nag-aral siya sa mga madre kaya nakilala niya ang banayad na pagkanta ng “Te Deum”.

--May 4, 2011
(Sanlinggo pagkatapos dumalaw ng Cagsawa ruins)

Habag (Kuwentong Paspasan)

Habag
(Kuwentong Paspasan)

Ni Johnjo Tuason

Sa Baclaran.
Pumasok ako sa simbahan at nakita ko ang isang matandang babaeng nagdarasal. Mula sa pinto ay paluhod siyang lumakad hanggang makarating sa altar. Inangat ang nagdarahop na palad sa hangin at sa harap ng Ina ng Laging Saklolo ay humingi ng awa at habag.

Sumakay ako ng dyip pauwi sa Sucat. Habang hinihintay lumuwag ang masikip na kalsada ay biglang may umakyat na batang lalake, gumapang mula entrada hanggang sa likod ng tsuper kung saan ako nakaupo. Hawak ang isang basahan ay pinunasan niya ang bawat paang madaanan. Sa dulo’y lumuhod ang yagit at inangat ang nagdarahop na palad sa hangin, humihingi ng awa’t habag.

Hindi ako makakibo.

--Mayo 4, 2011

Monday, April 25, 2011

Naga, Here I Come!

Tomorrow morning, April 25, 2011, Tuesday, 4:00 am, I will be leaving for Naga City, Bicol. With friends/co-teachers, we will attend the wedding of my good friend Tatum. This will be the farthest trip I will make so far and so I'm a bit nervous but excited at the same time. I brought with me my notebook and pen to dabble in travel writing. As an antidote to my nervousness, I keep inside my pocket my father's rosary with a St. Benedict medal attached to it and a prayer to Mary, Help of Christians.

Eleven hours to Naga. Back to Manila on Friday, I'll be alone travelling for the last episode of our radio show on Saturday. Please pray for me for a safe journey.

I'll write about my Naga experience when I get back to Manila. Maghahanap ako ng kuwento. What I am excited about is that my father worked in Kodak, Naga City in the 70's for about three to four years as a bachelor. One of my mission is to look for his landlady's daughter. His landlady apparently treated him like a son.

So wish me luck and whisper some prayers for a safe travel.

Saturday, March 19, 2011

Pagkakataon/Japan 2011 (Kuwentong Paspasan)

Pagkakataon: Japan 2011
ni Johnjo Tuason

Hindi na matiis ni Fujiko.

Umibig siya at nasawi. Alam niyang hindi lang siya ang nakaranas ng ganito pero aminado siyang marupok kumpara sa iba.

Limang buwan siyang nasa langit sa piling ng minamahal. Niloko siya at pinagpalit sa mayamang matanda. Hindi tulad niyang mayaman lang sa pangarap at dibuhista ng mga manga.

Nakatitig siya sa sarili sa harap ng salamin ng banyo. Wala siyang makitang kaluluwa sa mga mata ng kaharap. Binuksan niya ang pakete ng blade at dinantay ang talim sa pulso.

Palubog na ang blade nang lumindol. Napakapit si Fujiko sa lababo at bumagsak sa kanya ang kisame ng kanyang apartment.

Nagising siya maghahatinggabi, nakadagan sa kanya ang isang biga. Narinig niya ang mga boses ng mga taong magliligtas sa kanya, minamaso ang kongkretong pader sa kanyang paanan.

At napagtanto ni Fujiko na siya'y mabubuhay pa.

-WAKAS-

March 19, 2011

Friday, March 11, 2011

29 Years and Counting

Just two weeks from now I'll turn 29. Ten years ago, every time I would day-dream of the future, I saw myself having my own car, smartly dressed and being mature. Now I realized I have not changed that much since college. I can't really believe it was just yesterday.

This morning, I heard some of my favorite songs then. Dishwalla songs. I found myself singing, "Tell me all your thoughts on God, coz I really want to see Him......" Now I hear these songs on Saturday mornings, over JAM 88.3. Their day dedicated to--classics of the nineties and early two-thousand. My brother would laugh a bit every time I say "Tumatanda na talaga ako."

They say that quarter life crisis comes "daw" around these ages. Late twenties to early thirties. When you get frustrated because what you dreamed of becoming when you where in college and as an early graduate did not happen. When you realize that life is complicated and all your problems, work load and responsibilities pile up in front of you and still you have days when your ATM balance is 0 and you only have 100 pesos in your coin purse to stretch through the entire week. When you plan to give yourself a gift for your own birthday--watch a musical, and you plan it weeks ahead to save a thousand or more for a ticket.

****

I have accepted some facts of life. To be practical and think of financial stability first before realizing dreams. So I decided to leave my present work place and I got accepted in another one. Same profession. Same responsibilities. Then, life will do something to disturb my peace. Last Tuesday, friends called. One was my head writer and the other was a mentor six years ago and after a length of time, they still remember me and asked me if I still wanted to write. But of course! After seeing soap remakes on TV! I'm feeling challenged each time I hear that they're remaking some old soap operas.

So what did I tell them? I can't. I have just been accepted in a new workplace. The salary is much higher than my present one. And I can't afford to let that go.

Suddenly, what my I-Ching popsickle sticks counseled came true: Wait for March!I think I let an opportunity slip away.

Something that I know I really would like to do.

Something that had been a dream since high school.

At 29, life can really be complicated.

Kuwentong Paspasan: Ang Manunulat

Ang Manunulat
ni Johnjo Tuason

Naghanap ng kuwento ang Manunulat sa buong Maynila. Sumakay siya ng LRT sa Baclaran at habang binabagtas ng tren ang ibabaw ng siyudad ay napansin ng Manunulat ang mga lumang gusali at simbahan na katabi ng mga bangko, condo at shopping malls.

Wala siyang nakitang kuwento.

Napansin niya ang mga mosoleyong tsino sa Chinese cemetery at naakit sa mga puno ng kalachuching hitik na hitik sa mga puting talulot.

Ngunit di pa rin siya nakakita ng kuwento.

Nakarating siya sa Kalookan at sumaglit sa Ever Gotesco para panoorin ang mga magsing-irog na kumakain sa food court, ang mga tindera ng cellphone na nililigawan ng mga nagbebenta ng DVD. Ngunit walang bagong salaysay na nabuo sa kanyang isip.

Kaya't tinamad ang Manunulat at sumakay muli ng LRT at bumaba sa may Malate. Nilakad ang pasikot-sikot na mga tindahan, restawran at kapihan. Nagdesisyon siyang tumambay sa Baywalk para manuod ng paglubog ng araw. Naupo siya sa tabi ng bronseng Ninoy Aquino at nilabas ang ballpen at notebook. Ginuhit niya ng mga titik ang pagkalat ng kahel na liwanag sa kalangitan. Naramdaman niyang kalahati ng kanyang mukha ay sinisinagan ng araw. Wala pa ring nabuong kuwento pero natahimik ang puso niyang naghahanap.

Biglang dumating ang malaking tsunami, dinaganan siya ng malaking alon at hinila siya papuntang laot. Nakapagtatakang walang natinag sa paligid. Tulala ang mga tao sa kalye sa nangyari. Hindi umusad ang traffic sapagkat ang mga driver ay namutla sa takot. Parang nag-commercial gap lang ang buhay.

Nasaksihan ng isang reporter ang nangyari at agad kinuha ang kanyang radyo.

"Ed, news flash," sabi ng reporter. "Meron akong kuwento!"

WAKAS
March 12, 2011

Wednesday, March 2, 2011

Bagyong Cecilia (Maiklilng Kuwento)

Bagyong Cecilia
(Para kay Celina Dajang)

Ni John Joseph Cornelius B. Tuason

Ang sabi sa radyo ng dyip, signal number one na sa Metro Manila. Isa itong mabuting balita para kay Cecilia. Kahapon pa niya naisip na magandang signos ang pagiging magka-tokayo nila ng paparating na bagyo at heto na nga, inaanunsyo na sa balita na maaaring suspendihin ang klase bukas. Nakakailang linggo pa lang mula nang magbukas ang klase ngunit parang isang taon na ang lumipas ang pagod ni Cecilia sa pagtuturo. Salamat naman at makakapagpahinga siya bukas, naisip ni Cecilia. Kahit na alam din naman niya na ang “pahinga” na kanyang pagsasamantalahan ay paggawa din ng lesson plan at pagwawasto ng mga pagsusulit. Ang mga ito ang nilalaman ng kanyang bag, akap-akap niya sa siksikang dyip upang siguraduhing hindi mabasa kahit gapatak lang ng rumaragasang ulan. Hayaan nang nababasa ang kanyang likod kahit may tabing na plastik ang bintana ng dyip huwag lang ang mga kagamitang nagbibigay kahulugan ng kanyang pagkatao. Sapagka’t para kay Cecilia, ang pagiging guro ay hindi trabaho kung ‘di ito’y ang kanyang pagkatao. Ang pagtuturo ay dumadaloy sa kanyang dugo at ito din ang dumaloy sa mga ugat ng kanyang ina at sa ina nito at sa ina rin nito bago dito. Isang “kayamanan” na sa kanya na ipinamana.

Isa sa mga pinakabatang guro sa faculty si Cecilia. Apat na taon pa lang siyang gradweyt ng Pamantasang Normal. Agham ang itinuturo niya. Pinaiintindi niya sa kanyang mga estudyante sa Mataas na Paaralan ng Elpidio Quirino ang mga batas na nagpapatakbo ng Pisika. Sinisigurado din niyang sa kanyang pagtuturo ng mga teorya at hiwaga ng agham na mabatid ng mga estudyante kung gaano kadakila at katalino ang Diyos na nagpapakilos sa mga ito. Para kay Cecilia, ang pinakamahusay na maituturo ng isang guro ay hindi lamang mga konsepto ng kanyang subject kung hindi pati na rin ang mga leksyon sa Diyos at buhay.

Masaya si Cecilia sa kanyang ginagawa. Hinahalintulad niya ang edukasyon sa isang mala-diwatang babae na nagbabantay sa dumadaloy na tubig ng bukal ng karunungan, hinihimok ang sino mang nais uminom, magtampisaw at maligo dito.

Pinapara ni Cecilia ang dyip sa tapat ng kanilang maliit na subdivision ngunit dahil siguro sa lakas ng ulan ay kinailangan pa niyang sabihan ang mamang drayber ng tatlong beses bago ito tumigil. Kaya ngayon, kailangan pa niyang bagtasin ng mga isang kilometro ang high way. Nasa kabilang bahagi ng high way ang kanilang subdivision kaya kakailanganin pa niyang tumawid sa madilim na overpass.

Tatlong taon pa lang ang overpass nang ipinatayo ito ni Meyor pero di mawari kung bakit hindi ito pinaiilawan. Tuloy, balitang pinupugaran ito ng mga masasamang loob. Tambayan ng mga snatcher at holdaper. Hindi naman takot si Cecilia sapagkat dito na siya sa lugar na ito lumaki. Bago pa ipinatayo ng gobyerno ang pabahay na ngayon ay naging kanilang subdivision, nakatira na dito ang kanyang mga magulang. Kilala niya ang lahat at kilala siya ng lahat. Ang matalino, aktibo at bibang-bibang panganay ni Mang Castor na master electrician at ni Aling Cely, ang kaka-retiro lang na principal ng Elpidio Quirino.

Respetado ng magkakapitbahay ang mga De Mano. Hindi nga ba apat na magkakasunod na taon na naging baranggay tanod si Mang Castor bago ito na-mild stroke sampung taon na ang nakakaraan? Halos lahat naman ng mga tao sa kanilang lugar ay dumaan sa mapagkalingang kamay ni Mrs. De Mano bilang kanyang mga estudyante. Ang tatlo niyang nakababatang kapatid ay hindi kailanman nalaglag sa honor roll at hindi mapaparatangang dahil ang nanay nila ang principal ng paaralan. Ito’ y sapagka’t pawang matatalino ang mga magkakapatid na De Mano. Sa katunayan nito, si Cecilia nga’y nagtapos na Suma cum Laude sa Normal at ngayon ay isa sa mga pinakamahusay na guro sa Elpidio Quirino, sunod sa yapak ng kanyang ina.

Walang magtatangka ng masama kay Cecilia. Panatag ang loob niyang makita man siya ng mga haragan sa kanilang lugar, ang mga ito pa ang magtatanggol sa kanya.

Gutom na gutom na si Cecilia. Mag-aalas-otso na siya ng gabi umalis sa bahay ng pinagtu-tutoran kanina. Tatlong beses sa isang linggo kung siya’y mag-tutor. Pandagdag sa kita bilang guro.“Kasama na iyon sa package ng bokasyong ito“, sabi niya minsan sa isang kaibigang nagtataka kung bakit pa siya nagtiyatiyaga sa hindi kalakihang suweldo.

Tumigil muna siya sa tapat ng turo-turo na nakatayo sa paanan ng overpass na kung tawagin niya nang pabiro’y hagdanan papuntang Bat Cave. Bumili ng isang plastik ng goto na kakainin pag-uwi ng bahay at turong saging na kanyang ngangatain habang naglalakad. Medyo hirap pa siyang ipitin ang kanyang payong sa pagitan ng kanyang braso at balikat habang inilalagay sa bulsa ng kanyang jacket ang mainit na plastik ng goto. Pinagdulutan niya iyon ng ginhawa mula sa ginaw na kanyang nararamdaman. Binuksan niya ang balot ng turon at sinimulan ang pag-kain nito...

Umakyat si Cecilia sa hagdanan ng overpass. Pinipilit niyang palakihin ang kanyang mga mata upang makita ng malinaw ang tinatapakan. Ipinangako niya sa sarili na kakausapin bukas ang kabarkadang SK Chairman para gawing proyekto ang pagpapailaw sa “hagdanang papuntang Bat Cave”. Dinaan ni Cecilia ang madilim na pasilyo ng overpass at naramdaman na niyang bumabara ang ilong niya, allergy sa matapang na panghi na kanyang naaamoy. “Pati paglinis ng overpass na ito ay kinalimutan na ata”, sabi niya ng malakas sa sarili. Mga kaibigan man niya’y sanay na sa kanyang pagsasalita mag-isa. Thinking aloud, paliwanag niya.

Nasa kalagitnaan na si Cecilia ng pasilyo nang mapansin na may mga hugis ng tao na papalapit sa kanya. Sinimulan siyang kabahan at binagalan niya ang kanyang paglalakad. Baka naman tulad din niyang dumadaan sa overpass ang mga taong ito, inisip niya. Ngunit ang bilis ng tibok ng kanyang puso’y di natinag at di umalis ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Sandali pa’y nakikita na niya ng malinaw ang tatlong mukha ng tatlong binatilyong basang basa ng ulan, mga payat ang mga katawang kulang sa nutrisyon. Madudungis ang suot na mga T-shirt na sobra ang laki para sa kanila. Ang mga mata’y mapupungay at mamula-mula na tila bagong gising…o di kaya’y kinulayan ng hinithit na rugby?! Kinilabutan ng matindi si Cecilia.

Isa sa mga binatilyo ang naglabas ng kanyang kamay mula sa malaking T-shirt nito. Hawak nito ang isang kinakalawang na ice-pick at ngayo’y nakatutok na sa kanyang mukha.

“Ate, pera at cellphone, dali”! Utos nito.

Umatras si Cecilia pero agad na naglakad papunta sa kanyang likuran ang dalawa pang bata para siya harangan. Nanginig nang husto si Cecilia; naghalong ginaw na dulot ng binabagyong gabi at hilakbot na nararamdaman niya ngayon. Nabitawan ni Cecilia ang kanyang bag na lalagyan ng mga gamit-guro at kumalat sa pasilyo ang mga pagsusulit at lesson plan. Mabilis na sinapian ang mga ito ng tubig mula sa sementong sahig.

“Ano ba”, sigaw ng nasa likod. “Ibigay mo na!” Nagmura ito ng malutong.

Ano ba ang mga edad ng mga ito, nasaisip ni Cecilia. Trese anyos? Katorse? Ang akala niya, kung siya man ay harangin ay mga lalake na nasa kanilang mga hustong edad ang gagawa nito. Diyos ko! Ang mga batang ito’y kasing-edad lang ng kanyang mga estudyante!

Nagmura muli ang binatilyo sa kanyang likuran. Hindi sanay si Cecilia sapagkat ang mga estudyante niya’y ginagalang siya. Kahit na iyong mga pinaka-pilyo at pinaka-barumbado niyang estudyante.

Nanginginig ang kamay ni Cecilia habang kinukuha niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang jacket. Umiiyak na siya. Inabot niya ito sa batang nasa harapan na agad namang hinablot mula sa kanyang kamay. Dahan-dahan siyang yumuko at pinulot ang bag at hinalukay sa loob ang kanyang pitaka. Di pa niya nailalabas ang kanyang mga kamay ay hinablot naman ng binatilyo mula sa kanyang likod ang kanyang braso at inagaw mula sa kanya ang kanyang pitaka. Napatalon si Cecilia sa gulat.

Binuksan ng haragang bata ang kanyang pitaka at sinilip ang salapi sa loob. Hinugot nito ang graduation picture niya at tinitigan. “Maganda ka pala ate”, sabay tawa. Yung tawa na sa pelikulang kakatakutan lang niya naririnig. Hinagis nito ang kanyang litrato sa sahig at sumamang sumipsip ng tubig kasama ng mga nagkalat na papel sa semento.

Naglakad ang dalawang binatilyo mula sa kanyang likuran at tumabi sa nantututok sa kanya ng ice pick. Napagmasdan niya ang mukha ng pinakamaliit sa kanila. Ang batang sa buong pagkakataong iyon ay hindi niya narinig magsalita. Malungkot ang mga mata nitong pinabangag din ng rugby. Tila naaawa sa kanya.

“Hindi pa nauubos ng kasamaang dulot ng kahirapan ang konsensya nito”, naisip ni Cecilia. Hindi niya napansing malakas niya itong sinabi. Thinking aloud muli. Kumislot ang mga mata ng batang maliit. Parang nagulat. Parang may kung anong napagtanto. Parang binulungan ng konsensyang magsisi.

Nilabas ni Cecilia ang goto mula sa kanyang bulsa at inabot sa bata. “Heto, kunin niyo na din”, mahinahon niyang sinabi. Dahan-dahan itong kinuha ng batang maamo ang mukha.

“Tara na!”, utos muli ng may patalim. Tumakbo na ang tatlo papalayo. Paminsan-minsan lumilingon ang pinakabatang may konsensya. Halos kaladkarin ng mga kasama tumakbo.

“Sandali!” Sumigaw si Cecilia. Tumigil sa pagtakbo ang mga bata at lumingon sa kanya. Para siyang isang panginoon na nagbigay ng utos. Sa sandaling iyon ay tila nagsa-bata muli ang tatlo at natakot siguro sa boses niyang may awtoridad kaya agad-agad sumunod ang mga ito sa kanya.

“At ano pagkatapos?” Nanginginig siyang nagsalita. “Ipangbibili niyo ‘yan ng pagkain? At pag naubos na ang pagkain ninyo? Bibili kayo muli ng rugby para makalimutan ninyong gutom kayo? Pagkatapos nito ay magugutom kayo uli!” Histerikal na sigaw ni Cecilia.

Tuluyan nang tumakbo ang mga bata pababa ng overpass. Humahagulgol si Cecilia habang nakaluhod sa basang semento, pinulot isa-isa ang mga nabasang papel at pinasok sa kanyang bag. Hindi niya pinansin na kumalat na ang sulat ng tintang itim at karamihan sa mga ito’y di na mababasa pa. Pinulot niya ang kanyang litrato at tinitigan ang sariling naka-toga. Sinipat niya nang mabuti ang kanyang mga matang nakangiti sa litrato. Mga matang puno ng pag-asa at idealismo. Ng paniniwala sa kabutihang magagawa ng edukasyon. Sa pagbabago at paghuhubog na dulot nito para sa Pilipinas at sa buong daigdig. Hindi na siya ang babae sa litrato. Sapagkat nakasalamuha niya sa gabing ito ang kasamaang dulot ng kahirapan. Na siyang halimaw at ganid na umuubos at nagpapatuyo sa dumadaloy na tubig sa batis ng diwata. Sa sandaling iyon ay nakaramdam ng hindik si Cecilia hindi dahil sa karanasan niya sa gabing iyon kung ‘di dahil sa katotohanang baka di magtagal ay wala nang mainom mula sa batis ng karunungan ang mga bata sa bansang ito.


Naghalo ang dumadaloy na luha mula sa mga mata ng gurong nagngangalang Cecilia at ng ulang ibinubuhos ng bagyong ka-tokayo niya.


-WAKAS-

July 26, 2008

A World War Story (A Tuason World War Story)

A World War Story
A Tuason World War Story

By John Joseph Cornelius B. Tuason

(From February 3 to March 3, 1945, the American forces liberated Manila. Amidst the infamous destruction of the city and the massacre of its inhabitants, there were families who survived and their stories of hope were told to children, nephews, nieces and grandchildren including the writer, a 27 year old high school teacher who has a strong sense of family history.)
******************************************************************************
I come from an old family. My father is the youngest of nine children and my grandfather was born in 1899. Every time my friends visit our house, I show them my grandparents’ pictures and they remark that they look like pictures from Philippine history books.

My father’s eldest sister, Auntie Nena, lived with us for a while when I was a kid. She would tell me stories from the Second World War when she was a teenager studying in Sta. Scholastica in Manila as an “interna”. The rest of the family was staying in Cagayan de Oro as my grandfather, the feisty entrepreneur Alejo Tuason was working for the Elizalde company. When Cagayan de Oro was bombed, they sought refuge in a nearby ranch bringing along with him his brood of seven: three teenagers, three children and a toddler. Maria, his wife, was heavy with child, the youngest, who would become my father.

I vividly remember Nena’s story when Pearl Harbor was bombed. They were having Mass in honor of the Immaculate Conception and all the girls were wearing their white gala. After the Mass, the German Benedictine nuns announced what had happened and soon cars were coming to fetch the students. Nena saw her friends and schoolmates leave one by one and began to get worried. A friend tried to convince her to come with them to San Pablo, Laguna. At nightfall, Nena’s aunts, Leonor and Teresa arrived to pick her up and brought her to their house in Reposo street, Sta. Mesa.

When they were entering the gate, fighter planes hovered above them. They dropped to the ground in fear that bombs would plummet from the planes. An old Chinese woman, their neighbor, was angrily shouting in Chinese at them. Nena realized that she was being reprimanded for wearing her white gala because the pilots might see her from above and bomb their district. But nothing of that sort happened that night. It was only days after that bombings and fires all over Manila were reported.

The family in Cagayan de Oro was worrying for Nena. Maria Muñoz de Tuason had given birth to a baby boy whom they named Cornelio Antonio, after Alejo’s father and the clan’s ancestor. When Manila was declared an open city, Alejo decided to bring the whole family there and look for her eldest daughter Nena. It was his strong conviction that if they will perish in the war, it is better that they were together with no one being left behind. Alejo convinced a Japanese coronel who was now occupying their big house in the city to allow them to take a Japanese cargo ship to Manila. It was a perilous journey for the big family with young children who only brought suitcases of clothes having left behind their furniture, with the ship evading Filipino guerillas. During this trip, they were with the Guingonas whose son, Tito, was a schoolmate and a close friend of Alejo’s son, Rafael, in the Ateneo de Cagayan.

When they arrived at Manila’s port, they were surprised to find out that there were few American cargadorres! The Japanese had forced them to become laborers and were now doing menial jobs at the harbour. Alejo hired two horse-driven karitelas to bring them to Sta. Mesa.
Now Alejo and Maria did not have any news about their daughter Nena and they were just hoping against all odds that when they reach Reposo street, they will find her living with Maria’s sisters. Upon arriving in the house, the sisters of Maria, with their families, were thrilled seeing that the family from Mindanao has arrived. Of course, Nena was there with them and was happy to be reunited with her family.

Alejo Tuason’s family lived for the rest of the occupation in this part of Sta. Mesa. They stayed in one of the houses of Maria’s eldest sister, Lucia Muñoz-Murphy who was married to an American and owned at least five houses in the neighborhood of V. Mapa. Lucy left with her husband and daughter for America before the outbreak of war. The other sisters and their families lived in the other houses.

My other aunt, Sr. Violeta of the Salesian sisters told me about their life in Sta. Mesa during this period. She was ten years old at the outbreak of war. In the middle of the occupation, everything seemed to return to normalcy or people were just trying to survive the hard times. Sr.Violeta and another sibling, Sonia, went to school and learned Niponggo. Rodolfo, the second son, was in charge of the marketing and kept the food supply. The Muñoz cousins would meet in the afternoons to play. Rafael, Alejo’s second son, even organized and coached a basketball team of boys in their early teens comprising brothers Alejito and Bobby, cousins Vicenting and Montong and neighbors Carlos Loyzaga and Tony Genato who both became basketball legends. Alumni players from different schools organized a basketball league and competed with each other. Since the Ateneo was supposedly closed by the Japanese, it joined with the team name ATEX which stood for “Ateneo ex-students.”

The girls on the other hand planned garden parties and formed clubs. Nena even celebrated her 18th birthday with a simple gathering. There is an existing picture of Lola Maria’s sisters and their husbands getting together in the dinning room with a plate of four pieces of bread most likely to be shared by the eight of them.

But then, dark incidents would remind them of the realities of war. One day, Japanese soldiers came to the house demanding to see Rafael who was about 17 at this time. Apparently they saw his name among the list suspected to be involved in the underground guerilla movement. Maria pleaded with the Japanese not to take Rafael away while the lad left the house through the backdoor and hid in the vast fields behind the house. The soldiers left without Rafael.

Relatives from San Juan were not that lucky. The Japanese took away the teenaged sons because they discovered a Knight of Columbus uniform and ceremonial saber inside a trunk and mistook these as a military uniform. They were never seen again.

Alejo, a brave and daring man, was good in doing business for his family of nine children to survive. “Buy-and-sell” was the usual strategy for the Filipinos to live. He also owned a short wave radio. At night, he would pile pillows on top of the radio while listening to The Voice of America which reported news regarding where the American forces were. There were few times when he would write it down in small notes and ask the children, Violeta and Bobby, to deliver these letters to close friends in the neigborhood to update them. The Japanese never suspected small children and thus, they were never dicovered.

Since the Japanese soldiers confiscated big houses for their use as headquarters, they repeatedly went to Alejo and demanded that they leave the house. The dignified gentleman always declined making the large family as an excuse. “We cannot live in the streets”, he would say.

“Okay, look for house”, the Japanese would say and while counting his fingers, ordered: “Tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow (after seven days), you leave, we take house.”

“Okay”, Alejo would reply. “Tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow, tomorrow (after ten days), we will leave.”
After ten days, the Japanese soldiers would return demanding for the family to leave. “But we have not found a house yet”, my grandfather reasoned out. “Okay”, the Japanese said. “Tomorrow, tomorrow, tomorrow…!”

This happened again many times until the liberation of Manila. The Tuasons of Sta. Mesa were able to stay in their residence with this tactic until the end of the war and actually shared the “Tomorrow Method” with the Muñoz sisters because they were the few ones who remained in their houses while the neighborhood practically became a Japanese military office compound. Actually, Alejo was just delaying before he could move the family to San Juan where he purchased a summer house across the White Cross orphanage owned by the writer/ poet Jesus Balmori.

The remaining children of Alejo and Maria will never forget that fateful day in February when Manila was liberated at last by the American forces. That morning, the Japanese soldiers marched hurriedly out of Sta. Mesa going to San Juan. They left their warehouses open and the civilians went in at once to loot the provisions. The Tuason boys went home with sacks of rice and canned goods.

After that, the sky became red because nearby districts such as Malate and Ermita were on fire. Billows of smoke can be seen from afar. Who can ever forget the frightening bombings? Alejo led everybody down the air raid shelter, its entrance by the kitchen door. It was a small cavity dug out from the earth with benches where members of the family could sit. They usually prayed the rosary everytime they hid there during air raids and waited until the following day. This time, they were uncertain. The Americans have arrived but somehow, anxiety crept in their eager hearts. Nobody slept for who can sleep when your life was in danger? Even the young children knew this.

Suddenly, a bomb hit the house behind the Tuason residence and earth shook. Alejo, fearing that the house might colapse above them and they will be burried alive, quickly ordered everyone to rush out from the shelter and run to the street. He assigned the family in pairs, Nena carrying the youngest (my father) who was three years old at this time. It was already dark. The Manila Electric Company was burning, hence the blackout with only the red skies illuminating the night. The whole neigborhood was outside the streets waiting for what will happen next. At daybreak, the Tuason family managed to reunite and Alejo herded his family to a Japanese warehouse to stay. When night came, they returned to their house in V. Mapa.

They did this for a couple of days until a neighbor reported to Alejo that an American soldier by the name of Major Stratton was looking for a Tuason in the vicinity. Apparently, he wants his men to occupy the White Cross orphanage in San Juan and heard that one of the directors is a Tuason. Alejo at once contacted his distant cousin, Doña Paz, to ask permission in behalf of the American contingent and Major Stratton asked what could they do for the family in gratitude.

Now Alejo remembered the house he bought in front of White Cross during the war which was moderately damaged by one of the air raid bombings. The American soldiers offered to fix the house so that the family can stay there. And so Don Alejo Tuason’s family of nine children, all survivors of this terrible war, packed their things and were transferred to their new home in San Juan and slowly regained their normal lives.

Few people are reminded of those three years and few protagonists of this part of history remain. As the first Gospel of Christ was written 70 years after the resurrection, now is the time that more personal stories of how one survived the Second World War should flourish that it may never be forgotten and for whatever its worth. ****

---------March 2010

The Author

John Joseph Cornelius Tuason is a 28 year old high school teacher in a Catholic school in Parañaque. As a child, he would sit beside his old uncles and aunts and listened to their lively stories about their family’s history going back to the Spanish period, the Japanese occupation and interesting characters from the past. This developed his love for anything vintage particularly the 1920’s to the 1940’s. Upon recently realizing that his uncles and aunts are getting older (some have already died), he decided to preserve their stories on paper.

The Space Between (Kuwentong Paspasan)

Kaklase at kabarkada ni Pepe noon sa high school si Sabrina pero hindi sila gano'n ka-close. Actually, more of acquaintances lang sila dahil kahit galing sa iisang barkada ay hindi personal ang kanilang relasyon.

Heto naman kasi si Pepe may pagkamailap noon sa high school. kuntento na lang magsulat sa isang sulok o di kaya ay mag-drawing ng mga comicstrips na pinangalanan niyang "Manilenyo". Kapanahunan ito ni Polgas at Pugad Baboy ni Pol Medina, Jr. at isa ito sa madaming pangarap ni Pepe gawin sa buhay.

First years nu'ng college ay nagkikita silang barkada pag birthday ni Sabrina o kaya pag Pasko. Si Pepe ang pinakamaagang pumupunta kasi siya din ang pinakamaagang umuwi. Pagpatak ng alas dose, susunduin na kasi si Pepe. Last years na ng college nang siya ay nagwala at di na sila nagkita pa ni Sabrina sapagkat pumunta naman ito sa United Starred Spangled Banner of Alaminos para manirahan kasama ng kanyang pamilya.

Noong sumunod silang nagkita ay pagkatapos na ng kolehiyo, kapwa nagpupumilit umasenso sa kanya-kanyang buhay. Umuwi sa Republic of the Philippine Eating Eagle si Sabrina at nag-aral uli para sa isang kurso at karerang matagal bunuin at pagsunugan ng kilay. Samantalang hindi naging cartoonist si Pepe. Yun lang.

Minsan ay nagkita-kita uli ang barakada noong high school dahil birthday ni Sabrina. By this time isa na siyang ganap na mediko at balak pumunta uli ng United Starred Spangled Tiki-tiki For Baby para doon naman kumuha ng board exam at para tumira doon for good. Sabi niya, gusto niyang ikutin ang Manila bago man lang iwan ito ng lubusan. Ang balak niya ay magsimula sa Intramuros at pumasok sa bagumbagong amusement establishment na Parkeng Laot sa likod ng Grandstand.

Sinabi ni Pepe na gusto niyang samahan si Sabrina dahil tinuturing na niyang pangalawang tahanan ang walled city. Alam niya ang pasikot-sikot dito at pwede siyang mag-tour guide.

Nagset ng date--sa susunod na linggo. Game.

Sa araw bago ang napag-usapang pagtatagpo ay nagtext si Pepe kay Sabrina. "2loy pa ba tayo tom? Rdy ako" (hindi pa nako-coin ang term na jejemon noon).

"Gusto mo ba talaga?", tanong ni Sabrina.

"Depende sa 'yo", sagot ni Pepe.

"Sige, sige!", sabi ni Sabrina. "Medyo nag-alangan lang ako kasi hindi ko naman talaga ikaw kilala. Kung seryoso ka noon o hindi".

Natauhan si Pepe. Oo nga naman naisip niya. Kabarkada niya ito, supposedly kaibigan. Pero walang namuong personal deposit of friendhip. Na-guilty siya ng todo at ipnangako sa sariling bago umalis ang taong ito ng Republic of the Philharmonic Orchestra papuntang United State of Emergency ay kikilalanin niya itong mabuti, mabubuo ang isang maganda at meaningful na friendship kahit sa napakaikling panahon.

At nangyari nga. After Intramuros at Parkeng Laot ay naging close ang dalawa at di makakaila na puwede na nga silang tawaging totoong magkaibigan. Naging masaya si Pepe at nakaramdam ng fulfillment.

Dumating ang araw na kinailangan na ngang umalis ni Sabrina ngunit hindi nalungkot si Pepe. Alam niyang nagawa na niya ang dapat niyang gawin bilang kaibigan---sa maniwala o hindi, sa loob ng isang buwan.

Minsan nang nagbukas si Pepe ng account niya sa Peksbrook.com ay nakita niyang sumulat sa kanya si Sabrina. Nag-iba na daw ng relihiyon. Naging masaya si Pepe para sa kaibigan. Doon kasi nakita ni Sabrina ang katahimikan ng puso, ang kapayapaan. Naging daan pa nga ito para pag-aralan ni Pepe ang relihyong sinalihan ni Sabrina at napagtanto niyang hindi talaga dapat mag-away ang relihyon ni Sabrina at ang kanyang relihiyon. Pawang kapayapaan ang mensahe nito. Pag-ibig.

Naging mabuting kaibigan pa din si Pepe. Maunawain at hingahan ng sama ng loob tuwing nalulungkot si Sabrina kapag may di nakakaintindi sa kanyang bagong pananampalataya. Hindi masasabing patronizing ang ginagawa ni Pepe sapagkat alam niya, kahit marami ang kokontra, tama ang desisyon ng kaibigan.

Umuwi pa uli si Sabrina sa Republika ng TM ng ilang beses. Ang hinihintay naman niya ngayon ay ang pagiging isang ganap na mediko sa United State of Calamity. Naghahanda siya sa kanyang interview sa mga bigating ospital doon.

Bago siya umalis paibang-bansa ay nanood ang dalawa ng isang musical na tungkol sa relihyon ni Sabrina kasama ang isa nilang kabarkada. Naging uncomfortable si Sabrina sa ilang eksena pero wala siyang sinisi. Marahil, aniya, mali ang desisyon niyang sumama.

At tuluyan na ngang lumipad si Sabrina papunta sa Land of the Bald Eagle.

Isang taon ang lumipas, habang walang magawa at naghahanap si Pepe ng mga dating kaibigang makakamusta ay naisip niya si Sabrina. Hinanap niya ito sa listahan ng kanyang mga kaibigan sa Pressbroom.com pero wala ito doon. Hinananap niya ang pangalan sa internet: Sabrina Leguizamo....pero hindi pa din niya makita.

Nakaramdam si Pepe ng takot. Ano kayang posibleng nangyari sa kaibigan? Pagkatapos, napagtanto niya ang bago nitong relihyon...Iyon kaya ang dahilan kung bakit na lang siyang naglaho na parang bula? Ipinagbabawal na ba ng kanyang pananampalataya?

Biglang nakaramdam ng lungkot si Pepe. Naisip niyang dapat ay may soundtrack ang pangyayari kaya nagbukas siya ng panibagong window sa internet, sa Yutobemee at hinanap ang music video ni Dave Matthews na "Space Between". Pinatugtog niya ito at sinimulang magsulat ng note sa Pesbuk:"Kaklase at kabarkada ni Pepe noon sa high school si Sabrina..."

At sinabayan ng pagbirit ni Dave Matthews ang pagtipa ni Pepe sa keyboard:

"The space between
The tears we cry
Is the laughter keeps us coming back for more
The Space Between
The wicked lies we tell
And hope to keep safe from the pain...

Will I hold you again?
Will I hold...

Look at us spinning out in
The madness of a roller coaster
You know you went off like a devil
In a church in the middle of a crowded room
All we can do, my love
Is hope we don't take this ship down...

The Space Between
What's wrong and right
Is where you'll find me hiding, waiting for you
The Space Between
Your heart and mine
Is the space we'll fill with time
The Space Between...

Chain Letter (Kuwentong Paspasan)

Chain Letter
ni Johnjo Tuason

Kanina paglabas ni Lovely mula sa Adoration Chapel of the Blessed Sacrament ay nakita niya ang halos isang pulgadang kapal ng mga kopya ng panalangin sa Our Lady of Lakshmiranshivanshiya na nakapatong sa bookshelves ng mga prayer books.

Tinanong niya muna sa sarili, "Saan ba ang Lakshmiranshivanshiya?" Kaya kumuha siya ng isa at binuklat.

Nalaman niya tuloy na ang Lakshmiranshivanshiya ay isang tagong village sa Sri Lanka na narating diumano ng mga misyonerong paring Italyano. May dala silang antigong estatwa ng Mahal na Ina na nililok sa kahoy at kinoronahan ng gintong may mga hiyas. Ang kuwento ng leaflet, isang babaeng Sri Lankan daw ang pinagpakitaan ng Mahal na Birhen at binigyan ng ganitong mensahe:

"Believe in me, my daughter. I am your mother and the mother of the whole world. Have devotion to my image and pray the prayer I will give. Do not mock or debase this prayer or you will suffer the pains of hell!"

Tiningnan ni Lovely ang harap ng leaflet at pinagmasdan ang maamong mukha ng imahen na tila nakangiti sa kanya at nag-aanyaya. Naisip niya ang lahat ng problemang idinulog niya sa harap ng Santisimo Sacramento kanina. Ang di mabayarang upa sa bahay na kalahating taon na. Ang babayaran niyang tuition fee ng panganay niyang graduating sa high school ay puro DOTA lang at Left for Dead naman ang inaatupag. Ang bunso niyang si Junior na madalas atakihin ng hika. Ang asawa niyang sumama sa ibang babae at di na kailanman nagpakita.

Sa mga mata ng imaheng ito ay nakakita si lovely ng kislap ng pag-asa. Binuklat niya uli ang papel at binasa ang dasal.

"Most Holy Mother of Lakshmiranshivanshiya, we implore your gracious and merciful heart, bestow upon us the graces that we desire especially (mention here your request) and show us the way to your love, Amen".

Sunod dito ay pinagdadasal siya ng sampung Our Father, sampung Hail Mary at sampung Glory Be. At pagkatapos ay may mga huling bilin.

"Make 500 copies of this prayer and leave it by the church doors. Do not take lightly. Manny Pacquiao received this prayer and followed the instructions and won his first boxing match abroad. Charice Pempengco prayed this and she was accepted in the Glee audition. On the other hand, Manny Villar ignored this prayer and lost the presidential elections. Atty. Lamberto Vendecado of Misamis laughed at this prayer and had an accident and died. His face was unrecognizable."

Ito na ang hinihintay na kasagutan sa mga dasal ni Lovely. Dali-dali siyang pumunta ng mall at pina-photocopy ang panalangin.

"Magkano?", tanong ni Lovely sa nagkokopya.

"500 pieces po. P 1.25 ang 'sang kopya", sagot ng babae.

Seven hundred lang ang pera ni Lovely sa pitaka. Wala na siyang pera sa ATM. Six hundred twenty five ang kanyang babayaran. At least may matitira pa siyang seventy five pesos. Tama lang sa pamasahe niya pauwi at pamasahe niya bukas papuntang opisina. Hihiram na lang muna siya ng pera sa kasama sa trabaho.

Habang buhat-buhat ang halos tatlong pulgadang kapal na mga papel ay umakyat si Lovely ng foot bridge at tumawid sa ibabaw ng malawak na highway. Tumunog ang message alert ng kanyang cellphone. Tumigil siya sa gitna ng tulay at hirap na kinuha ang telepono sa bag para basahin ang text.

"Anak, punta k d2 osptal. nsgsaan c junior. hngi emrgncy ward deposit P 600.", text ng nanay niya.

Tuluyang dumulas ang mga dasal mula sa kanyang mga kamay at parang nalagas na pakpak ng anghel na nagsiliparan ang mga papel mula sa itaas ng footbridge papunta sa lupa.


MAY NAKAPULOT NG ISANG MADUMING PAPEL SA ILALIM NG FOOTBRIDGE.

Napatanong ang taong nakapulot, "Saan ba ang Lakshmiranshivanshiya?"

-WAKAS-

--February 23 at 25, 2011
Salamat kay Del Cabanog para sa mungkahing katapusan.

Ordinaryong Biyahe (Flash Fiction/Kwentong Paspasan)

Ordinaryong Biyahe
ni Johnjo Tuason

Ala una ng hapon nang sumakay si Mona sa air-conditioned bus sa Baclaran. Para siyang robot at wala ang isip habang pumapanhik ng estribo hanggang sa naupo siya sa bandang likod na upuan, sa kanang bahagi ng bus. Dahil tanghaling tapat ay wala masyadong pasahero sa bus. Mataas ang araw kaya ginhawa ang pumasok sa de erkon na sasakyan.

Kaya parang robot si Mona ay dahil iniisip niya ang mga problema ng kanyang pamilya. Paano ba masosolusyunan ang mga problema kung ito ay tungkol sa pera? Kahit na call center agent siya at kumpara sa ibang trabaho ay malaki-laki na ang sahod, tila di pagkasyahan ang mga nag-uunahang babayarin: Matrikula ng nakababata niyang kapatid na si Sabel na nagna-nursing. Ang pang-dialysis ng Lolo Teddy niyang talamak sa alak noong kabataan kaya ngayo'y sinisingil ng kanyang mga bato (bakit ba pati siya ay kailangang singilin?). Pambayad sa kuryenteng may disconnection notice (para sa'n ba ang "environmental fee" na nakasulat sa billing?).

Paano na sila ni Emman? Matagal na nilang pinag-uusapan ang kasal nila na parang hanggang pangarap na lang sapagka't napakaraming obligasyon na kailangang harapin.

Tumingin sa labas si Mona at nakita niya ang Heritage hotel. Naisip niyang sana ay dito ganapin ang reception ng kanyang kasal.


Sumakay ang dalawang lalaki. Ang isa ay may kargang backpack. Umupo sila sa bandang gitna at hinubad ng huli ang kanyang backpack at nilagay sa ilalim ng upuan. Pinara nila ang bus sa may Evangelista at bumaba sila.

Magaalas-dos nang sumabog ang bus habang papalapit sa istasyon ng MRT sa Buendia at nagising ang inaantok na hapon.


Nagbuntunghininga si Mona. Hayaan na nga ang problema, sabi niya sa sarili. Sabi nga ng teacher niya sa Values Education sa high school, "All things pass, only God remains."

Napansin ni Mona na parang ang haba-haba ng biyahe at hindi pa siya makakarating sa destinasyon niya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa bintana at siya'y natulog.

At natulog pa nang hindi nanaginip.


---January 29, 2011; Saturday
Tatlong araw pagkatapos ng balitang sumabog na bus sa Makati.

For Hire (Kuwentong Paspasan/Flash Fiction)

For Hire
ni Johnjo Tuason

Ang Magkakapitbahay

Siya si Jose Contigo. pero kakaunti lang ang nakakaalam na Jose Contigo ang totoo niyang pangalan. Siya si Toto para sa lahat. Mang Toto. Kuya Toto. O simpleng 'To.

Para sa mga magkakapitbahay sa kanilang lugar ay isa siyang misteryosong taong bigla na lang sumulpot sa kanila sa Ubasan Site, isang maulang Nobyembre ng hapon. Dala-dala ang kanyang pamilya sa isang inupahang dyip, ay inokupahan nila ang maliit na kongkretong bahay na inalisan ng mag-asawang nangibang-bansa para magtrabaho. Pinanuod ng magkakapitbahay ang maliit na mag-anak habang ipinapasok ni Toto ang kanilang gamit at ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa harap ng bahay. Sinipat nila ng husto ang asawa ni Toto na si Joy at ang pitong taong gulang na anak nilang si Joey na bitbit ang isang manikang basahan na "Handy Mandy".

Nakakausap ng mga kababaihan na parating nagkukuwentuhan sa harap ng tindahan ni Aling Marta si Joy. Bata pa ito, mga beinte otso, magalang at palangiti. Ngunit ang pag-uusap na iyon ay di naman lumalagpas sa "tanong-sagot", "Kamusta-Okey naman po". Palaisipan tuloy sa kanila si Joy at di nila mapagtsismisan ng husto sapagkat wala naman itong kakaibang kinikilos.

Ang batang si Joey naman ay hindi pala-labas. Kahit iniimbitahan ng barkadang sina Gabby, Plong, Noel at John-Loydd na mga tsampyon sa tumbang-preso, tex at pogs ay di ito sumasama sa kanila. Dahilan ni Joey ang, "Ayaw ng Mama ko na lumabas ako" at "mag-aaral pa ako".

Hindi din mayaya ng mga kalalakihang tambay si Toto para sumalo sa kanilang inuman tuwing gabi. Ang dahilan naman niya ay ang kanyang trabahong pang-gabi at madaling araw na ito kung umuuwi.

Kaya bulung-bulungan ng mga magkakapitbahay ay sari-sari:

"Baka sekyu."
"Di naman nakauniporme."
"Baka pusher."
"Holdaper."
"Kolboy kaya?"
"Bampira!"

Tawanan.

"Parating nakaitim eh!"

Si Jose Contigo

Sa loob ng utak ni Toto o Jose Contigo ay wala siyang pakialam. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho. Pero kahit sa loob ng tahanan ay nananatili siyang malayo ang loob at bihira magsalita. Hindi siya nagapakita ng emosyon, kahit sa anak na si Joey. Ang usapan nila ay hindi lumalagpas sa "matulog ka na-opo Papa" at "pakiabot ng sapatos-opo Papa."

Pero noong kaarawan ni Joey ay naisip ni Toto na kailangan maging masaya ang bata. Dinala niya ang kanyang mag-ina sa Star City at isinakay ang anak sa mga rides. Kuntento si Toto na makitang masaya ang anak, ngiting-ngiti habang nakakapit sa manikang "Handy Mandy" habang nakasakay sa tsubibo.

Nang kumain sila sa Jolibee bago umuwi sa bahay, di inaasahang tinanong ni Toto ang anak. "Joey, ano'ng gusto mo maging paglaki mo?"

"Doktor po", sagot ng bata.

"Mag-aral ka nang mabuti", sabi ni Toto. "Para maabot mo'ng gusto mo."

Si Joy

Natuwa si Joy at ninamnam ang pagkakataong nakitang nagkaroon ng malalim na relasyon ang kanyang mag-ama kahit sa bihirang pagkakataon.

Minsang sama-sama ni Joy ang anak bumili ng bigas sa tindahan ni Aling Marta ay sinabi sa kanya ng matanda,"Naku Joy, huwag mo sanaying manika ang hawak ng anak mo at baka mabakla 'yan. Dapat ang nilalaro niyan, baril-barilan!"

"Ay, hindi po", salungat ni Joy. "Pinagbabawalan po ni Toto si Joey na maglaro ng baril-barilan."

Wirdong ama, naisip ni Aling Marta.Sa wakas ay mayroon na siyang ikukwentong muli kina Aling Tilde at Mareng Susan mamayang hapon.

Arkila

Alas-dos ng madaling araw, sakay ng kanyang motorsiklo, nakaabang si Jose Contigo sa tapat ng isang malaking bahay sa Taguig. Lumabas mula sa sa gate ang isang matabang lalake na may singkuwenta anyos. Ito ang pinatatrabaho sa kanya ngayong gabi. Ipinasok ni Jose ang kamay sa bulsa ng kanyang leather jacket at hinawakan ang baril na kanyang gagamitin.

Napaso siya sa malamig na bakal ng kanyang sandata.

WAKAS

Mga Kuwentong Puso (Kuwentong Paspasan)

Mga Kuwentong Puso
ni Johnjo Tuason

Huwag kang mag-alala, Di ako iiyak.
Hindi magdaramdam, Kahit na ga patak.
Pag-ibig na minsan, na ating dinanas
Sa tulad kong putik, Tama na at sapat.
--Flippers


Ikaw, paano mo ipagdiriwang ang araw ng mg puso?

Siguro tulad ng kay Sally Benipayo na teller ng isang malaking bangko sa Ortigas. Nangangarap siyang sunduin ng kanyang nobyo pagpatak ng alas-singko ng hapon, may handog na isang bungkos ng rosas Dangwa. Isasakay siya sa kotse nito at dadalhin sa isang mamahaling restawran.

Nang dumating ang alas-singko ay sinundo nga siya ni Jay. May dala nga itong isang bungkos ng rosas Dangwa at ibinigay sa kanya nang nakaluhod at pinagkiligan ng kanyang mga kapwa teller. Dinala nga siya sa isang mamahaling restawran na may biyolinistang tumutugtog sa maliit na platform. Parang eksena sa pelikula ang lahat, naisip ni Sally. Parang siya si Sarah at si Jay ay si John Loydd. Ngunit kinabahan siya nang lumuhod si Jay sa kanyang harapan at nagbukas ng isang pulang kahon na may dyamanteng singsing. Napatayo si Sally, nag-excuse me at nagmamadaling pumunta ng ladies room. Nagkulong sa cubicle at naupo sa tinakpang kubeta.

"Hindi ko magagawa ito", ang sabi ni Sally sa sarili.



Siguro isniisip mo din, tulad ni Kevin Torres, kung ano ang ibibigay sa minamahal sa araw ng mga puso. Fourth year high school siya sa isang pribadong paaralan at noong second quarter pa nilliligawan ang kaklase niyang si Faith de Villa, ang babaeng hinandugan niya ng tula noong Linggo ng Wika. Noong Biyernes bago maguwian ay pumayag ito sa paanyaya niyang mag-stroll sa mall at siya ang nagdala ng bag at mga libro nito. Tinanong ni Kevin si Faith kung ano na ang estado ng panliligaw niya. Hindi tuwirang sumagot ang dalagita. hanggang doon lang daw muna ang kanyang maibibigay. Kaya tuloy ay umuwing bitin si Kevin.

Hindi napansin ni Kevin na walang kinang sa mga mata ni Faith tuwing sila ay nag-uusap. Hindi bumibilis ang tibok ng puso nito tuwing sila ay naghaharap. Siya ang unang nanligaw kay Faith at gusto ng dalagita ang pakiramdam ng may sumusuyo at nagbibigay ng atensyon na di niya makuha sa kanyang pamilya. Pero wala itong nararamdamang pagmamahal sa kanya.

Kagabi sa higaan, bago siya takasan ng diwa at nanaginip, napangiti si Kevin at naisip na malapit na siyang sagutin ni Faith. Paliwanag niya sa sarili, nahihiya lang si Faith magsabi ng totoo niyang nararamdaman sa kanya. Bukas, bibili siya ng malaking teddy bear sa Blue Magic at ihahandog sa babaeng minamahal.



Siguro, pinaghahandaan mo ng dinner date ang misis mo tulad ni Alex Paredes at ginawang formal dining ang maliit na komidor na kakabit ng kanilang kusina. Nagluto siya ng lamb chops at naglabas ng mamahaling red wine at dalawang wine glasses na "souvenir" niya mula sa hotel kung saan dinaos ang isang company conference. Pinatugtog niya sa kanyang i-pod si Ruther Van Dross at pinatay ang mga ilaw ng buong kabahayan. Nagsindi siya ng mga scented vigil candles sa sahig at sinabuyan ng talulot ng pulang rosas ang paligid. tatlong taon pa lang silang kasal ni Imee pero ngayon lang niya hinandaan ng ganitong klaseng date ang asawa.

Kahapon ay pinapunta siya ng kanyang doktor sa klinika para basahan ng resulta ng kanyang medical exam. May cancer siya sa sikmura at binigyan ng dalawang buwan para mabuhay.

Mamayang gabi, pag-uwi ni Imee ay masosorpresa siya. Siguradong maiiyak ito sa tuwa. Parang gustong sumabog ng puso ni Alex sa pananabik at di napigilang maluha. Mamayang gabi, pagkatapos ng hapunan ay buong ingat at pagmamahal, apoy at hanging amihan, tubig ng talon at tubig ng ilog na sila'y magniniig.

Sumumpa siyang hinding-hindi sasabihin sa asawa ang naghihintay sa kanilang kapalaran.



Siguro, excited ka din tulad ni Aling Medea na stay-in maid sa isang ekslusibong subdivision. Dahil limang taon na siyang naninilbihan sa among doktor ay madali siyang nakapagpaalam na magpalipas ng gabi sa kanyang mga kamag-anak sa Paranaque. Dali-dali siyang bumili ng pancit Malabon bago sumakay ng bus pa-timog.

Sa gabing iyon, tulad ng nakagawian tuwing araw ng mga puso, magpapa-street party ang magkakapitbahay ng San Sebastian Dulo. Maglalabas si Aling Brenda ng tatlong maliliit na mesa at mga bangko sa harap ng kanyang tindahan. Naglabas din ang asawa niyang si Mang Kanor ng limang case ng beer at pitong bote ng The Bar. Si Evelyn naman, nagbabarbecue ng isaw at baboy. Nilapag ni Aling Medea ang bilao ng pancit sa mesa.

Mag-aalas dose ng gabi, humarap sa inarkilang videoke ang barberong si Mang Julio at kumanta ng awiting cha-cha.

"Sa `yong inaakala
nalimot na kita
Gayong ako ay laging
tapat sa `yo sinta
Buhat nang mawala ka
ako ay nagdurusa
Kahit ka nagtampo
sana'y malaman mo
Mahal pa rin kita...."

Dahil pinawi na ng alkohol ang anumang natirang hiya sa kanilang mga katawan ay pumunta sa gitna ng kalsada ang magkakapitbahay at sinabayan ng pag-indak ang kanta.

Kinalimutan muna ni Aling Brenda ang kinikimkim na sama ng loob sa asawa dahil sa dalas nitong mahuling nakikipaghuntahan sa mga babaeng mas bata sa kanya. Nagduwelo ang dalawa sa pagcha-cha.

Kinalimutan na muna ni Evelyn ang lungkot dahil tatlong taon nang nagtatrabaho sa Cambodia ang asawa. Kacha-cha niya ang kapatid niyang si Gaston.

Kinalimutan muna ni Aling Medea ang anak na nakasaksak at nakapatay ng baranggay tanod at kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis. Hayaan muna 'yon at kasayaw naman niya si kumareng Linda at paris silang pinamumulahan ng mukha sa kalangisan.

Ngayong gabi ay araw ng mga puso at kalimutan muna ang araw-araw na pakikipaglaban para mabuhay. May perya sa loob ng puso ng tao at ang buhay ay isang roleta ng pag-ibig.

-Wakas-

February 14, 2011
Araw ng mga Puso.
Mag-isang nagsusulat sa
isang kapihan sa grocery.